UPLB Campus
Tinaguriang
one of the most haunted places in the Phils ang UP Los Banos. Pero supernatural
occurrences dun ay hindi lamang dahil sa mga alaala ng WW2, kundi dahil na rin
sa kababalaghan mula sa kalikasan. Sa totoo lng, mas malaki ang campus ng UPLB
sa UP Diliman dahil kasama dito ang lupain hanggang IRRI at at UPOU sa may Bay,
at pati na rin sa bundok Makiling lagpas ng College of Forestry, Boy Scouts
Jamboree, Natl HS for the Arts, tagos sa PCARRD na ngayon ay shortcut na
papuntang highway at Los Banos Bayan.
On
campus, naglipana pa ang nalalakihang puno ng acacia, kapok, mangga at iba pang
hardwood. Napalilibutan din kami ng mga creeks na tagusan ng tubig mula sa
bundok, kaya marami ring mga tulay na gawa pa bago ng gyera. Sa dami ng
malalaking puno, hindi mo alam kng alin ang may naninirahan, kaya natuto kaming
gumalang sa nature.
Nung
minsan ginabi kami ng mga kaklase ko from a group study session. Wala na jeeps
nuon so kadilakad na kami. Buti mga 3-4 kami pabalik ng dorms sa campus. Nung
nandun na kami sa may Palma Bridge may sumitsit. Akala ko sa may kapok tree sa
side ng PhySci bldg, pero may sumitsit uli sa may kanan ng tulay at
nakatinginan na kami. Tumigil na sa pagkukwento yng maingay naming bading.
'Narinig nyo yun?', tanong ko. pero hindi na nila ako sinagot at medyo
binikisan ag paglalakad. nung mas malapit na kami dun sa malaking puno sa may
auditorium, mas malakas yng sitsit kaya pare-pareho kaming dun napatingin.
Madilim yng audi, wlang ilaw, at makapal ang mga dahon ng puno. Wala ka makita
kundi kadiliman. Bgla kaming sabay2x karipas ng takbo across Baker's Field
(version namin ng Sunken Garden) papuntang dorms. Swerte nung isa, sa Women's
dorm sya at pinakamalapit, 2 kaming diretso sa Men's, at pinakamalas yng bading
naming friend kasi sa Coop Housing pa sya.
Dyan
din sa Baker's Field, malapit sa Baker Hall, may experience yng mga Vanguard
(officers ng ROTC) during their early AM jogging. Tuwing rainy season, malamig
at nagiging foggy yng campus. Minsan daw na makulimlim at medyo umaambon, ambon
na umaga, nagja-jogging yng mga Vanguards na hindi bababa sa 10 lalaking macho.
Doing the usual greetings-chanting sila, 'good morning ladies of Women's Dorm,'
good morning, ladies of Men's Dorm...' tapos nung malapit sa Baker Hall mismo,
may bgla silang nakitang kasabay nila na grupo...isang pulutong ng
nagma-marchang mga sundalong Hapon! Kitang-kita nila lahat, halata sa lumang
uniporme circa 1940s, yng sumbrerong Japanese cap na may takip sa tenga, yng
baril na may bayoneta sa dulo! Karipas daw silang lhat ng takbo pauwi ng
barracks nila sa may Grandstand.
Dahil
nga ginawang concentration camp ang buong UPLB campus nung Japanese Occupation,
hindi maiwasang may mga kakaiba dito. Sa mismong Baker Hall na dati naming
gym/PE bldg, marami daw kinulong at tortured. Kaya sa basement kng saan storage
ng mga sports equipment, super creepy daw talga. Dun nga sa 2nd flr, may
malalaking open windows, minsan daw ay may nakikitang white lady na nakadungaw
kht gabi na at wlang ilaw dun. Yng kapatid ko, gumimik ng inuman ksama ang
friends sa Field isang gabi. Bgla silang inabot ng ulan, e ang pinakamalapit
silungan yng Baker Hall. Nkatayo daw sila sa harap dun sa may sementong canopy,
tuloy ang kwentuhan at tawanan. Bgla daw may umamoy na super baho..amoy organic
na nabubulok. Ang sabi nga nung isa sa kanila, parang naaagnas na bangkay.
Nangilabot na daw sila at nagsitakbuhan papuntang Student Union na malapit sa
Auditorium.
UPLB Campus #2: Bridges
Besides malalaking puno at flowing creeks para maging super
babad ka sa nature sa campus, may mga old bridges din kami na kng saan ay pwede
ka magmuni2x o mag-emote...huwag ka lng papaabot ng mga alanganin oras Lalo na
kng nagiisa.
Yng nakwento ko na Palma Bridge malapit sa auditorium ay maigsi
pa at madalas na dadaanan ng mga sasakyan o taong naglalakad. Pero may ilang
tulay sa campus na bihira madaanan tulad ng tulay sa likod ng Main Library
namin sa tabi ng Hortorium. Shortcut kasi ito pauwi ng dorms o paakyat ng
Forestry. So may mga kwento ng upperclassmen na ginabi ng uwi dahil sa
pagrereview sa MainLibe. Mas Mahaba itong tulay kaysa sa Palma Bridge pero
nalalakad naman. ang kaso, ito ay notorious na humahaba daw at parang walang
katapusan habang binabaybay mo. Kht mga nkabisikleta ay nagreklamo na para daw
ang tagal nila makatawid dito. Eventually makakatawid ka din pero ramdam mo na
ang takot kasi weird at spooky na talga.
Sa may Animal Science, papuntang Dairy Training and Research
Institute (DTRI), may isang tulay na gawa pa before WW2. Dun kasi ang Isa sa
mga original College of Agriculture bldgs. Dati siyang Animal Husbandry area,
na ngayon ay ka-share na ang Veterinary Medicine. Kasing haba lng sya halos ng
Palma Bridge pero meron din malaking puno sa tabi (di ko na sure kng mangga ba
o acacia ito). Dahil shortcut ito papunta dun sa mga off-campus villages at
subdivisions ng mga professors, dun kami dumadaan ng parents ko kapag hinahatid
nila ako sa house ng uncle ko where I stayed ng freshman yr ko. Minsan hinati
nila ako, ksama mga sisters ko. Masaya kaming nakakwentuhan at nagtatawanan sa
loob ng kotse habang tinatawid namin yng Bridge. Bgla n lng may bumagsak sa
bubong ng car na parang kasing laki ng buko. Malakas ang kalabog at nagulat ang
Mama k who was driving at the time, buti n lng hindi nya nakabig yng manibela
at dumeretso kami sa tubig. Pagkalagpas ng ilang metro, sa may paliko,
pinatigil ng Daddy ko para I check. Bumaba sya at tiningnan yng roof ng kotse
kng gaano kalaki ng damage. Pero nagtaka sya ng wla syang makita ng yupi o
pipi. Check din nya yng Daan kng may nahulog na malaking tree branch o prutas
man lng..pero wla rin.
Nung nkaratng na kami sa bahay ng uncle ko, nakwento namin.
Hindi sila nagulat kasi may kwento rin dun yng pinsan Kong lalaki. Syempre
teenager, lagi lumalabas para gumimik. Hindi pa sya nagdadrive nuon, at minsan
wlang masabayan umuwi o hindi masundo, napipilitan syang mag lakad pauwi. Dahil
mas malayo yng daan sa may IRRI kht na pwede sumakay ng trolley, mas ginusto
nya yng shortcut sa may Animal Science. Hapon daw yun, magtatakip-silim na. Dun
sya dumaan kasi may Liwanag pa naman at mas mapapaaga sya ng uwi para good shot
sya s parents nya. Paglagpas ng Bridge, tamang-tama sa may ilalim ng malaking
puno, bgla daw syang inulan ng buhangin. Para daw syang binuhusan ng isang
tabong buhangin o abo. Bagamat gulat, nagtatatakbo na raw sya pauwi. Buti n lng
kapag dumadaan ako dun, tanghali o hapon at maaga pa. Although minsan paguwi ko
nagtataka ako na may naririnig akong sumusunod sa akin paglagpas ko ng bridge
at nung puno. Pagtingin ko sa likod ko, wla naman at tanaw mo the whole road
kasi malawak at talahiban o vacant lots n yng gilid. Ang mas weird, paano mo
maririnig ang echo ng footsteps kahit open-air ang paligid.
Meron ding isang maliit na
hanging bridge dun sa may Agricultural Engineering papunta sa St. Therese
Church, malapit sa UP Rural High School. Ginagamit ito usually ng mga AgEng at
Horticulture majors pabalik ng mga dorms nila sa Gonzales, Catalan, o Ylag's.
May nakikita daw dun na Black Lady at mahilig daw mangharang. Malas mo kng nasa
kalagitnaan ka na tapos nandun din sya sa Bridge, kasi wla ka na choice kundi
harapin sya para makatawid.
Los Banos Stories: Moving
Statues
Here's
another installment ng aking naipong mga kwentong katatakutan mula sa aking
ilan taong nilagi sa Los Banos.
Tulad ng
UP Diliman, marami rin kaming mga estatwa at mga sculptures na nakakalat around
campus. Hindi ko alam kng guni2x lng talga ng mga tao, perp bkt ba ang daming
kwento ng mga rebulto at estatwa na kesyo gumagalaw at naglalakad. Talaga kaya
napo-possess ng masamang espiritu ang mga ito
Sa UPLB,
altho may sariling Oblation kami, ang simbolo talga ng pinagmulang College of
Agriculture ay kalabaw. Kaya nga pagpasok p lng ng main gate ng campus ay
nandun ang orihinal na ulo ng 2 kalabaw na Pre-War pa daw nakaposte sa bukanan.
Later yrs, napalitan ito ng estatwa ng magsasaka at ng kanyag kalabaw. Tawag
dito ay 'Tao' at nakatayo ito dun sa may pagitan ng Admin/Cashiers Ofc sa
lumang registrar's bldg at DevCom o College of Agriculture Dean's Ofc. Ang
siste, may nakakakita daw dito sa magsasaka at kanyang kalabaw dun sa may
Baker's Field, sa kalagitnaan ng campus. Dis oras daw ng gabi kng makakasalubong
ng mga ginagabi ng uwi, at nagtataka sila dahil wlang malapit na bukid sa loob
ng campus. May kwento pa nga na nanghabol yng kalabaw ng mga dormer na umuwing
late galing gimikan.
Yun naman
babae sa taas ng pavilion sa may Palma bridge, gumagalaw rin daw. Pormang
dalagang Pilipina, nakasuot ng makalumang damit ito na may bitbit na banga. Ang
weird lng, minsan daw yng hawak nyang banga nakababa, minsan hawak nya sa taas,
sa may balikat nya. May mga generation ng LB students swear nung panahon nila
nasa baba, meron din nasa taas daw. Nung panahon 80s, ang tanda ko nasa balikat
nya, pero tingnan nyo yng foto ko na kinunan ko nung 2018.
Meron din
kaming tinatawag na 'The Graduate,' estatwa ng lalaking naka-toga for
graduation. Nakalagay ito dun s Social Garden sa may Horticulture, malapit din
sa haunted hanging bridge. Bumababa daw ito sa gabi at naglalakad dun sa
kahabaan ng street na yun hanggang sa may bridge ng AgriEngineering. Takot
dumaan dun ang mga jeepney sa gabi. Sabi kasi ng mga driver, pumapara daw o
nakikisakay si Graduate. Kng hindi mo man pansinin, sasabayan ka pa rin daw.
Imagine yng takbong mabilis ng sasakyan, pero sa gilid nya, sinasabayan sya ng
The Graduate...ano yun, lumilipad?!
Los Banos Stories Take 2:
Anos Apparitions
May nabasa ako dito na kwento na nung papunta silang Baler may
na daanan sila na mga tao in the wee hours of the morning. Naalala ko bgla yng
kwento ng Mama ko at kapatid ko.
So nung 80s, college na kami ng younger sister ko sa UPLB.
Sumali kami sa mga different campus organizations, at Isa dito yng sorority
namin. Tradition na ang oath-taking as new members ay tinatawag na 'pinning' at
magkakaroon kyo ng sorority ball. Bonggang party ito, todo bihis ang mga tao ng evening wear, nka ball gowns or cocktail
dresses, at kailangan may escort, preferably a guy with his own car.
Ang escort/date ko nuon ay yng brod ko sa aking academic
organization. Yng sister ko, brod namin sa fraternity. Ang kaso wlang sasakyan
yng unggok at na-late pa! Buti na lng nandyan yng Mama namin, so sya tuloy
nagdrive at naghatid sa sister ko.
Natapos yng party super late na, past midnight for sure. Kht
tapos na ang kasiyahan at sayawan, medyo nagtagal pa sa parking lot para sa mga
pahabol na kwentuhan at tawanan. Mga 2 o 3 AM na nung pauwi na lhat galing dun
sa resort sa may Bayan-Pansol area. Kanya2x sasakyan, halos magkakasunod kami
pabalik ng campus. Yng iba naman, dun sa direction ng pa-Calamba pauwi. Nauna
yng sasakyan namin ng brod ko. Ang alam ko nakasunod sila Mama at Sister ko sa
amin, ilang metro lng sa likuran namin.
Pagdatng sa dorm namin, nagkwento si Mama na bkt daw Kaya ang
daming taong naglalakad sa may Anos nung pagdaan nila. Mga naka-puti daw,
samu't-sari.. May babae, may lalaki, may matatanda, may mga Bata. 'Ha! Saan
dun? Wala naman kami nakita pagdaan namin ah...', sabi ko. 'Nakasalubong natin,
pa-direksyon papuntang Bayan sila... Imposibleng di nyo nakita kasi ang dami
nila,' patuloy nya. 'Para silang isang pulutong, naglalakad magkakasunod, para
ngang parada ng makikilibing..' Hmmn, medyo weird nga talga. 'Saang part, yng
sa Crossing ba?', tanong ko uli. 'Pagkalagpas lng nung portion ng bilihan ng
mga buko pie...' sagot nya.
Sa may Batong Malake kasi ay may roadside na sementeryo; medyo
matagal na rin naitayo pero hindi naman yata panahon pa ng WW2. Pero hindi ko
rin alam kng may kinalaman yng mga nakita nya dun sa nangyaring Los Banos
massacre sa bayan. Nung kasing Liberation at na-rescue na yng mga nakakulong
internment camp sa Baker's Field sa campus, hindi lahat lumikas at tumawid ng
Laguna De Bay. May mga nagpaiwan, at nagsibalikan sa mga bahay nila kahit na
sinabi ng mga Amerikano at Pinoy guerilla na maaari silang balikan at
paghigantihan ng mga Hapon. True enough, pag-move on ng Allied Forces sa ibang
lugar ng Southern Tagalog, may dumating na Japanese reinforcements at
binalingan ang mga naiwang Pinoy na civilians. Next to the horror stories ng
massacre na ginawa sa Malate sa Manila nung WW2, ito daw Los Banos massacre ang
Isa pang pinaka-gruesome at inubos daw talga ang mga Tao sa bayan.
So Kung may mga 'haunted' resorts daw dun sa bandang Bayan,
hindi ko rin masabi Kung sino o ano ang nagpaparamdam dun.
UPLB Stories: Forestry
During
our time in the 80s, alam ko na from my friends that Forestry campus and their
dormitories have their own set of horror stories. Tulad ng mga naunang kwento,
meron mga kababalaghan mula sa nature, meron multo na galing alaala ng WW2,
pati na rin mga fellow students who died. Pati nga daw sa Flat Rocks at Mud
Springs ay may nagpapakita rin.
Tulad
ng Diliman, we have our own jeepneys going around the campus, and we had our
unique hand signals to indicate where we need to go. Pointing up straight to heaven
means akyat sa Forestry. Unfortunately, kapag gabi na konti na lang pumapasok
na jeeps sa campus. And worse, yung mga lugar na di masyado dinadayo like
Forestry e wla na masakyan. So malas mo kung ginabi ka for some reason, need mo
maglakad paakyat. Usually, ok lang naman maglakad basta grupo kayo at madami ka
kasama. But don’t make the mistake of walking alone at night kasi super dilim
dun sa dadaanan mo.
May
isang guy na-late ng uwi at syempre wla na jeep kaya napilitang maglakad. Ang
unang mga gusali pagsampa mo sa forestry ay yng UPLB Alumni Center sa kaliwa at
yng UPLB Infirmary (campus Health Service) sa kanan. Sa tapat ng “Infir-matay”
(as we jokingly called it), bigla daw syang may narinig na yabag na naglalakad
din. Parang sinasabayan sya habang binabaybay nya ang stretch ng Infirmary.
Sasabihin nyo baka naman echo, pero ang hirap magka-echo sa open space tulad
nun at hindi naman bundok kundi puro halaman at puno ang nakapaligid.
Pagkatapos ng ilang hakbang after ng Infirmary, nawala din yng footsteps at
iisang set na lng uli naririnig nya.
Minsan
naman, may mag-jowa na nag-aaway daw sa tapat ng Makiling Residence Hall
(MAREHA). Grabeng drama daw at mukhang magbe-break na sila. Biglang na lang daw
sila parehong sumigaw, hindi dahil sa galit, kundi sa takot. Yung sound daw ng
pure terror narinig pa ng ibang dormers sa MAREHA. Sabi ng mag-syota may nakita
daw sila ng isang pulutong ng mga sundalong Hapon circa WW2 ang suot.
ito
naman friend ko sa Maharlika Dorm nakatira. Mahilig gumimik at mag-inom nuon
pero malapit lang kaya nakakauwi pa ng dorm. Nuong una daw, hindi masyado
nakakatakot experiences nya..yung weird knocks lang sa door – yung 2 o 3 na far
between knocks, walang boses na mag-call out or sasagot kung sagutin mo ng
“pasok”. Minsan medyo tipsy sya umuwi, nakahiga na sa bunk nya sa double bed.
Parang may tumunog sa may bintana. Akala nya yng mga friends nya na tinatawag
sya uli lumabas. Malalaki ang tabas ng windows namin to let extra light in
during the day. Bumangon sya at humarap sa bintana and lo and behold – isang
babaeng nakaputi at mahaba ang buhok pero nakayuko kaya di nya makita ang
mukha, nakalutang sa may malaking Acacia tree!
Pero
sabi nya ang hindi nya talga kinaya yung pinaka-creepy experiences nya sa bed
nya sa room. Minsan daw napapaidlip na sya, sleeping on her side. Bigla daw nya
naramdaman na parang may humiga sa tabi nya, sa likod nya…E wall yun kasi she
was facing the floor side. Worse, feeling nya hinaplos yng likod o balikat nya
at parang hinalikan yng batok nya! Napabalikwas daw sya pero couldn’t help but
look in that direction pa rin. Ang nakita nya ay isang dark shadow o mist that
moved into the wall and disappeared.
UPLB Hanging Bridge
Nakwento
ko na itong mysterious hanging bridge sa UPLB campus yng shortcut mula
Engineering at papunta St. Therese Chapel. Sometime before the holidays, I met
up with another fellow UPLos Banos student (he eventually transferred to
Diliman) and napakwento sya ng sarili nyang experience.
So
everyone knew medyo haunted nga yng hanging bridge at takot ang mga tao dumaan
dun lalo na kng nagiisa at padilim na. Yng time na yun, ksama naman daw nya yng
ex-GF nya galing class sa Engineering. Ayaw daw sana ng GF nya, kaso madalang
na rin yng jeep na dumaan sa may Ipil Drive. Kng meron man, punuan na kasi
uwian na rin nga mga empleyado ng campus. So wala na sila choice kundi dun
dumaan sa hanging bridge.
Nung
papalapit pa lang sila, tila may tinitingnan yng GF nya. Malayo pa yng bridge
pero tanaw na nila. Tapos, dahan2x bumagal yng lakad ng GF nya na parang
nagiging hesitant. Eto naman friend ko, tuloy2x lang at pagsampa nya sa bridge,
pinigilan sya ng GF nya. Ang higpit ng hatak sa t-shirt nya at sabi wag na lng
sila dun dumaan. Medyo naiinis sya kasi ang lapit na nila para bumalik at umiikot
pa (St. Therese ladies dorm kasi yng GF nya). So hakbang uli sya, nabitawan na
sya ng GF nya pero umaayaw pa rin. Halos umabot na sya sa may gitna at yng GF
naman nya naghalong iyak at sigaw sa pagpigil sa kanya. E kaysa mag-eskandalo
pa dun, binalikan na lng nya at umiikot na nga lng sila sa long way.
Later,
nung nandun na sila sa Chapel, tinanong nya ano ba problema earlier. Sabi nung
GF nya, malayo pa lng sila, parang may dark figure sya nakita. Akala nya shadow
lng ng mga puno. Habang papalapit sila, na-realize nya na parang black lady.
Nung nasa bridge na sila, nakatayo daw sa gitna ng bridge na parang humaharang.
Matandang babae, nakasuot ng black at mahabang damit, mukhang witch,
nakakatakot ang mukha. Eto rin yata yng nakakasalubong daw ng mga nagka-experience
dun sa Bridge. Pero ang weird dun, habang humahakbang daw sya sa bridge,
napapa-atras yng black lady. Habang lumalapit si BF, panay din atras ng
bruha/black lady. Kaso iniisip daw ni GF, takot Kay BF e paano sya? Bka sa
kanya, hindi naman takot at sya ang kapitan ng bad juju.
So hayun,
mula nuon, may nakapagsabi din sa kanya na mga psychic at paranormal experts na
parang may inherent psychic power itong si BF na makapag-repel... Para daw
syang may protective shield of light kasi na ayaw ng mga negative forces.
Eileen
Some of
you here are from UP Los Banos, and may have been familiar with the double
murder of Eileen and Alan. They were my fraternity brod and sorority sis.
Karumal-dumal ang kaso nila, sayang ang mga batang buhay na kinitil lng
basta2x. Masakit pa dun, yng paraan kng paano sila pinatay, parang binastos ang
mga katawan nila, pinahirapan...
Dahil sa
sinapit ni Eileen, kinailangan na "closed casket" sya. Hindi na kasi
makilala ang magandang mukha nya kung saan sya binaril. Hindi na kinaya
i-reconstruct or ayusin. Nakakaawa ang Mommy nya na iyak ng iyak.
Nung nga
huling gabi ng lamay, nagsimulang magkwento yng Mommy nya. Kunswelo daw nya,
nagpaparamdam si Eileen sa kanya. Minsan magisa sya sa kwarto, nakahiga sa
kama, hindi makatulog. bglang lumubog yng parte ng bed sa may paanan nya. Ganun
daw kasi si Eileen, kaht gabi na, pinupuntahan sya sa room kng kakauwi galing
sa UPLB or sa gimik..."Mommy, nandito ako...." nagsasabi na nakauwi
na sya.
Minsan
naman daw, nakatulog sya sa kakaiyak. Para daw syang nanaginip...pumasok si
Eileen sa room, lumapit sa bed at hinimas yng buhok sa ulo ng Mommy nya. Ramdam
daw talga nya yng paghimas sa ulo nya pero syempre paggising nya, wla naman...
Recently,
naglabas ng coffeetable book yng sorority namin. May special tribute in memory
of Eileen. Yng pinsan ko ang sumulat ng article abt her memories. Dahil una sya
nakagraduate at nagtuturo na nung si Eileen ay nagte-thesis, madalas daw
dumalaw si Eileen sa ofc nya. Kasi sadyang sweet, minsan nagdadala ito ng fresh
flowers for her, para daw decor sa ofc nya. Nung week ng kakamatay ni Eileen,
bigla daw nangamoy bulaklak yng hallway nung pauwi na sya. Amoy ng fave flowers
na laging dinadala ni Eileen.
Hanggang
sa huli, yng kabaitan at pagkasweet nya ang pinaramdam nya para makapagpaalam.
No comments:
Post a Comment