EERIE DORMITORIES
Dorm
Nagaral
ako nung late 80s sa UP LosBanos. In my sophomore year sa college, i decided to
move out of my uncle's family home and moved sa isang Co-ed (boys and girls)
dormitory within the campus. Tulad ng history ng university na puno ng kwentong
WWII, oblivious ako sa mga kababalaghan sa dorm. Basta excited ako to be living
the life na napapanuod ko lang sa mga 80s Hollywood teeny-bopper movies.
Yung
first few months ko, for summer classes lang, so konti ang naka-dorm kasi naguuwian yng iba sa malalapit na hometowns. Yung iba
naman tiga-Manila talaga, nag-cross-enroll sa Diliman at Manila campuses.
Supposedly, 3 kami sa room na apatan. Pero tiga-Calamba lng yng isa kaya halos
everyday naguuwian. itong isa naman, may relative sa pinupuntahan every
weekend. So ang nangyari, may mga days ako lng mag-isa sa room.
First
experience ko, may kumatok sa pinto na dahan-dahan, hindi magkakasunod..mabagal
at dadalawa lng, usually, kng tao..tatlo agad na malakas at mabilis "tok,
tok, tok." pero ito, "tok (mahabang gap) tapos tok" uli. Hindi
ko roommate for sure, kasi besides hindi kami usually nagla-lock ng pinto kng
may tao na sa loob, lahat din kami may sariling susi. At kung wingmate naman
yun o friend, may kasabay na pagtawag ng pangalan o "knock, knock..hello"
yun. pero walang kasamang boses kht sagutin mo ng "Pasok, bukas
yan.." Pagbukas mo naman ng pinto, at sisilipin...walang tao sa buong
hallway sa labas.
Minsan
naman, kapag natutulog ka..may kakatok din sa ilalim ng kama mo. Double-deck
kasi beds namin na gawa sa kahoy pero ang foundation bakal at nakadikit ng
solid sa pader. Pero dahil sa lakas ng katok, mararamdaman mo sa likod mo at
magigising ka. Pagsilip mo, wala naman yng roommate mo sa ilalim, at worse
minsan magisa ka sa kwarto. Swerte na rin ako na hanggang katok lng
na-experience ko, kasi yng ibang dormmates mas malala ang experience – inalog
buong kama na parang earthquake, halos mahulog sila. E nakapagtataka, solid nga
yng pagkakakabit ng beds naming sa wall..kht magtatalon yng roommates mo o yng
nasa kabilang room, hindi pwede gumalaw ng bed.
Yung
worse experience ko yung may narinig ako. Exams week yun at nagrereview ako for
my Financial Mgt class. Nagpupuyat magisa kasi tulog na 3 kong roommates. Dun
ako sa corner table ko, kasi kanya-kanya kaming space as study area. Naka-lock
din door kasi wala na lumabas para mag-CR sa amin. Biglang may umungol sa
mismong tabi ng tenga ko, yung panaghoy na parang iiyak..ang kakaiba, parang
galing sa ilalim ng lupa yng boses! Napabalikwas ako, tingin sa likod ko…tulog
yng 3, wlang ibang tao sa room. Natalon ko in one leap yng kama ko sa top bunk
na halos d ko nagamit yng hagdan.nagtalukbong ako ng kumot at pilit na natulog.
Di ko na napatay yng ilaw, bahala na kung magising yng mga roommates ko. Sa
umaga nako mage-explain sa kanila kung sakali..Mula nuon hindi nako nagpupuyat
mag-review ng mag-isa.
Dorm 2: Communal CR
Kilala ang UP Los Banos bilang one of the most haunted places in
the Phils. Pero dahil isa itong college campus karamihan sa mga kwento ay
galing sa mga experiences ng mga students sa dormitories. Besides mga
nangyayari sa rooms, minsan din sa communal Banyo ang ibang katatakutan.
Meron dyan na 'tradition' na ang mga bagong freshman usually ay
'nabibinyagan' ng kababalaghan sa CR. Sa Men's Dorm (co-ed sya actly) may
common n mga bakya/wooden clogs for use sa CR para iwas putik. Yng kapatid ko nagising sa gitna ng gabi kasi
naiihi, tapos nakita nya yng lahat ng mga bakya hinilera na parang train
papunta sa isang cubicle.. Yng parang pinaglaruan ng Bata para sundan mo yng
trail. Buti hindi na nya sinilip kasi antok daw sya. May kwento din na umiihi
yng isang dormer, takot sya magisa syempre pero ng narinig nya na parang may
pumasok s CR, natuwa sya na may ksama na sya. Tumigil yng footsteps sa tapat ng
cubicle nya, so nagsabi sya, 'sandali lng, Matatapos na..'. Pero nung pagbukas
nya ng pinto, isang pair lng ng bakya yng nasa harapan nya, wlang taong
nakatayo dun!
Mahiwaga din ang mga salamin sa communal CR. Dahil nga maraming
gagamit, tulad ng cubicles ng toilet at shower, isang hilera din ang mga lababo
at sa harap nito, isang mahabang salamin. May mga kwento na may Isa daw dormer
na naghihilamos magisa. Syempre tingin2x muna sa salamin, check 2x, pa-cute...
Tapos bgla nya napansin na nag-iiba yng mukha nya. Hindi na sya yng nasa
salamin at isang Matandang babae na pangit at nanlilisik ang mga Mata ang
nkaharap sa kanya! Hinimatay yng student at natagpuang nakahandusay sa sahig ng
mga roommate nya.
Yun naman kwento sa Women's Dorm, meron daw isang Iglesia na student.
Maaga daw gumising para sumamba. So diretso sya sa CR para mag quick shower.
Medyo madilim pa yun, wla pang ibang gising kasi kapag tagulan, malamig sa
Uplb, parang Tagaytay. Habang nasa-shower, may naramdaman daw syang pumasok.
Pero unusual yng yabag ng footsteps...mabagal, para daw may hinahanap. So,
humarap sya sa door ng cubicle, lumayo konti while her back was to the shower.
Feeling nya papunta sa kanya Kaya inaabangan nya yng shadow o paa sa siwang ng
cubicle sa baba ng door. Pero ang bigla daw tumambad sa kanya e sobrang itim na
mukha at 2 pula at nanlilisik na Mata. Nagsisigaw daw yng dormer pero nakuha pa
nyang itulak ang pinto at tumakbo pabalik ng Kwarto nya.
Dorm Story #3
Ang
Men’s Dorm sa gitna ng UP Los Banos campus ay actually Co-Ed dorm. Tatlong
units ay okupado ng mga girls, at dalawa lng ang naiwan sa boys. Unit 1 ang
original at pinakalumang section, sa likod nya ang Unit 2 also for boys. Ang
nakaharap sa Baker’s Field ay yng Unit 3 and 5, tanaw ang kalsada sa harap at
sa magkabilang gilid. Nasa likod ng Unit 3 ang Unit 2, ang pinakalumang Girls’
wing at ang katabi nila ay ang YMCA dorm for boys. Samantala, sa gilid ng Unit
5 at Unit 2 ay ang kalsadang paakyat sa VetMed dorm at ang SEARCA dorm. Across
ng kalsadang ito ay Women’s Dorm naman.
Besides
yung mga una kong kwento ng mga kumakatok sa room, nanguuga ng kama, at
communal CR experiences, may iba pang mga kwento ang mga dormers. Between rooms
na magkakatapat, may common area na hallway ang mga Units. Meron tiga-2 long
tables with built-in benches ang bawat wing kung saan pwede kumain o mag-aral
ng magkakasama. Usually kapag exams week, siguro dahil mataas ang stress level
ng mga students, mas maraming kababalaghan na nangyayari. Nakakaistorbo nga
kasi kung kalian busy ang lahat e yun naman nagkakatakutan.
Ang
mga Units ay hanggang 2nd floor lang. Pero dahil wooden staircase
pa, maririnig mo ang mga yabag lalo na kapag nagmamadali at late na sa klase.
Sanay kami sa sound ng dumadagundong na footsteps sa stairs. So minsang Finals
week, ang bukas lng na ilaw sa hallway at nka-lock na ang mga Unit doors
(security guards nagsasara every night, pero pwede naman buksan from the
inside, hindi lng yng nasa labas na inabutan ng curfew.) Kanya-kanyang spot sa
long tables, naka-social distancing for concentration.
Sa
Unit 3, biglang may mga footsteps sa stairs, parang nagmamadali. Tinginan ang
lahat from both wings (gitna kasi ang stairs) pero walang bumababa. Naulit sya
at mas malakas, mas nagmamadali…pero wala naman nagbukas ng pinto at lumabas.
Isang beses pa, at mas nakakaistorbo na kasi malakas, dumadagundong pero wala
pa rin sila nakikita. Inisip nilang may mga pusang naghahabulan o nagaaway at
nahulog pareho sa hagdan, pero wala nung iyak ng pusa e. Dahan-dahan at isa-isa
silang nagligpit ng mga libro at tahimik na nagsipasok na lng sa mga kwarto.
Sa Unit 5, mostly upperclassmen ang residents.
Third o fourth year na, puro major subjects na ang inaaral kaya dibdiban na ang
study sessions, puyatan galore. Minsan daw yng mga nasa ground floor nakakita
ng kabaong sa ibabaw ng hallway table sa kabilang wing, tapos bigla daw
lumutang papunta sa kanilang mga nagaaral. Yun naman mga tiga 2nd floor ng Unit
5, may nakitang babaeng naka-itim, magulo ang buhok at nakakatakot ang mukha na
nakalutang sa may bintana sa dulo ng hallway. Tabi ito nung malaking puno sa
pagitan ng Men’s at Women’s dorm, at madadaanan papuntang VetMed o SEARCA dorm.
May mga kwento din kasi yng mga dormers dun na kapag naglalakad sila pauwi, may
babaeng naka-itim na nakatayo dun sa may malaking puno, nakatitig sa kanila.
Maraming
may gusto makakuha ng rooms sa Unit 3 at 5 na may windows na matatanaw mula sa
kalsada, kasi madali ka matatawag ng manliligaw mo o ng BF mo. Lalo na since
magkakatabi nga ang dorms kahit hindi Co-Ed. Minsan, yung mga “manang” na
students nagkwe-kwentuhan na may nakita daw silang girl dumadaan sa gilid ng
bintana ng Unit 3, papunta ng YMCA e gabing-gabi na. Grabe daw kasi naka-pantulog
na nga raw, yng parang nightgown kasi mahaba na puti. Ang landi daw kasi sya pa
pupunta sa BF nya sa YMCA, gabi na at ganun pa ang suot…tapos bigla sila
natigilan sa pangookray kasi na-realize nila na nasa 2nd flr nga
pala sila, at nakalutang yng babae nung dumaan sa may bintana nila.
Dorm Story #4
Marami pang ibang dorms sa UP Los
Banos. Lahat yun punuan kasi Marami sa mga estudyante ay dayo mula sa iba't
ibang lugar ng Pilipinas at meron pang mga dayuhan galing ibang bansa.
Nabanggit ko na sa pagitan ng Men's
and Women's dorms ay may daan papunta sa VetMed at SEARCA dorms sa likod ng 2
dorms na ito. Half-finished ito, kalahati asphalt at yng sa may dulo ay dirt
road na uli. May malaking puno sa tabi ng Men's dorm na tanaw din sa Women's at
nadadaanan ng lhat ng papuntang VetMed at SEARCA. Marami ang nagsasabi na may
nakikita silang Black Lady dun s may malaking puno. Usually nakatayo lng,
nakatitig sa kanila..yng mga inabot ng medyo maggagabi na, nanlilisik daw ang
pulang mata nito. Suspetsa ng iba, ito rin yng lumulutang na babae na nagkikita
sa bintana ng Men's. Sabi naman ng mga tiga-Women's, ito yng nang po-possess sa
ilang Bagong resident nila. Kawawa ang mga TigaSEARCA kasi wla sila ibang
daanan, yng mga tigaVetMed, pwede mag shortcut dun sa makeshift dirt stairs s
may YMCA.
Samantala, kng akala mo safe ka na
kng nakauwi ka ng maayos sa VetMed, hindi nagtatapos dun. Oo, mas bagong gawa
ang VetMed at SEARCA dorms, pero meron din mga nararamdaman dun. Yng sorority
sister ko, na-stranded one weekend kasi may coup d'etat sa Manila nuon. Magisa
lng sya sa room kasi nakauwi yng 2 at yng 1 roommate nya e nagstay sa
boyfriend. Araw nuon, maliwanag pa, pero naisip nyang mag habol ng mga puyat at
nagmidday nap sya. Summer weather pa nuon pero dahil nasa likod ang dorm, medyo
elevated at napapalibutan pa ng puno, kumportable kht electric fan lng ang
gamit. Bgla daw naalimpungatan sya at unti2x lumalakas ang hanging sa Kwarto.
Sarado ang nagiisang bintana nila (kasi takot sila mapasukan ng forest
creatures) at di naman nakatodo yng electric fan. Pero mistulang nagka-ipo2x
daw sa loob ng Kwarto nila.
Nakatihaya sya, pero yakap ang
malaking unan sa harapan nya, at nakatakip sa mukha nya. Napalingon daw sya sa
sahig at may nakita syang paa! Nka-black shoes ng panlalaki at blue na pantalon
ang nasilip nya. Naisip nyang una, may nakapasok sa Kwarto nya at bka ma-rape
sya! Pero naalala nya na naka-lock yng door at halos wlang Tao na sa buong dorm
Sabi ng guard sa baba. Pinikit nya uli ang Mata, niyakap ng mahigpit yng unan
at nagpanggap na tulog. Pero bgla daw inaagaw yng unan nya! Natakot na sya at
nag-pray ng Our Father, Hail Mary.. Pero parang ang tagal daw bago nawala yng
ipo2x at humupa yng hangin, hanggang naramdaman nyang wla na umaagaw ng unan
nya. Nagdasal pa rin sya at pagkalipas ng ilang minuto, sumilip sya mula sa ilalim
ng unan nya. Nung parang normal na, wlang nangyari..tumakbo na sya pababa sa
guard. Nung nagkwentuhan sila ni Manong Guard ang sabi sa kanya, meron daw
electrician na namatay dun nung ginagawa pa lng yng dorm. Nakuryente daw ng
aksidente sa high tension wire.
Mas malayo pa sa Vet Med dorm ay may
tinatawag din nuon na Coop Housing for upperclassmen. Puro lalaki lng duon at
whole cottages ang dorms nila. Each cottage named after the different
Philippine mountains, has a communal CR but several rooms, and group sharing
din ang rooms. Dahil malayo na nga ito, medyo liblib na at napapalibutan ng mga
puno.
Kwento ng isang
blockmate ko, yun daw isang housemate nila na graduating senior, para daw
nabubuang na. May kina kausap daw sa may tabi ng malaking puno sa likod ng
cottage nila. Nung una nya nakilala ito, normal naman daw. Seryoso kasi nga
medyo matanda na sa kanila at busy sa pagtapos ng kanyang thesis. Marami rin
friends on campus kasi myembro ng isang Dance Club at academic org ng major
nya. Naisip nila na bka nape- pressure lng sa thesis, pero nagsabi sya na may
babae daw na kumakausap sa kanya nung minsan nagsampay sya ng labada nya sa
likod. Makulit daw at pilit na pinapasama sya sa bahay nila. Syempre boys,
niloko pa nila kng maganda at sexy daw ba. Sagot nya maganda, mestisa at Mahaba
ang buhok. Alangan nga daw sya kasi maitim sya, kulot at di pa katangkaran. Bkt
daw sya pa ang napili. Kinalaunan, nagiiba na yng ugali ng housemate nila.
Hindi daw kasi sya makatulog. Kng gising sya, lagi daw nag papakita at
iniistorbo sya sa gawa in. Syempre medyo weird n nga kng sino at saan ba galing
yng babae. Puro lalaki sila dun at malayo nga yng dorm. Paano sya nakakapunta
dun at palagi pa. Pagkalipas pa ng ilang linggo, na kausap nila uli yng
housemate nila kasi sila n lng pumapansin at sbi nung iba weirdo n nga raw.
Sabi sa kanila, Pati daw sa classroom, dun sa laboratory ng college nila,
nakakasunod na yng babae. Hindi na sya pinapatulog at hindi n rin sya makakain
sa stress. Inadvise nilang umuwi muna sa kanilang probinsya Lalo na at Xmas
break naman. Habang nandun Pina-Tawas daw sya at pabalik, medyo OK n uli. Kaso
after a whyl, ganun na naman. Umalis ng tuluyan after sinundo ng pamilya nya.
Hindi n daw nakatapos ng thesis o nkagradweyt.
Silliman Dorm (Dumaguete)
Dahil nabanggit ng sister ko ang Silliman University at ang kanilang mga dorm
stories, naalala ko yung kwento ng isang friend ko.
Aspiring
writer itong friend ko. Classmate kami sa Creative Writing course sa UP Diliman
at mahilig mag-join ng mga prestigious writing workshops ng UP, UST, Ateneo at
La Salle. That year, he was lucky enough na makuha sa Silliman Writer's
Workshop to be held in Dumaguete City.
For that
weeklong activity, they were to be billeted on-campus kasi wala pa naman summer
classes nuon. He was assigned to one of those old dormitories na partly wooden
structure pa. Following the typical turn-of-the-century American designs, most
of the buildings were those white, cardboard box-like buildings.
Dahil
yung daily workshops consisted of writing, re-writing drafts, group critique
sessions, nakakapagod din. After the dinner socials, plastado na siya at
malalim ang tulog until the next day. Mag-isa lang sya sa room at wlang
roommate . First 2 nights, wala naman sya na-experience although may general
creepy feeling yung place. Kapag nakapatay na yung ilaw, parang may nakatingin
sa iyo sa dilim. That 3rd night, it was an especially exhausting day. So he was
ready to just crash and go into a deep sleep. Na-alimpungatan sya sa middle of
the night. Ramdam daw nya na parang may kasama sya sa room. Pero di na lng nya
pinansin. Bgla n lng daw bumilis yng ikot ng electric fan kht naka-on sa low.
Dahil malapit sa dagat, usually humid ang weather sa Dumaguete. Yung mainit na
malagkit na feeling. Pero para daw bglang naging mala-Baguio yng lamig, o yung
temperature kapag panahon ng bagyo at maulan. Dahil uncomfortable, he started
fidgeting sa bed, tossing and turning. As he turned from his side, tumihaya
siya. Pero nagulat sya dahil right in front of him, nakalutang sa ibabaw nya,
ay isang matandang babae, nakasabog ang mahabang buhok, at nakatitig sa kanya
ang nanlilisik na mga mata! Nung una ay hindi sya makasigaw o makagalaw.
Pinipilit nya pero it felt like forever daw bago nya narinig ang boses nyang
humihiyaw. Finally, naigalaw nya ang katawan nya para buksan ang bedside lamp.
Binuksan daw nya ang lahat ng ilaw at hindi na nakatulog magdamag.
Kinaumagahan, kinausap nya yng guard at tinanong kung may nagpapakita ba dun sa
dorm. Sagot ni Manong guard habang napapangiti, "Sir, lahat naman yata ng
lumang campus at dorms may nagmumulto..." At nakitulog na lng sya sa ibang
rooms ng last 2 nights nya sa Dumaguete.
Office Training Facilities
Ang
office namin besides may mga sariling dorms, ay meron din training facilities
na pwede gawing venue ng mga meetings, seminars o workshops. Kung konti lng
naman ang participants at internal activity, o walang budget ang opisina, dun
kami pilit pinagdaraos ng activity ng mga boss.
Meron
kaming old training facility sa may papunta ng FTI, malapit sa Fort Bonifacio.
Pinatayo ito nung 70s ni Imelda as an ASEAN venue for social welfare meetings.
Nasa isang malaking compound sya ng mga artistically designed buildings na gawa
ng national artists. Nung 90s pinarentahan na sa private corporations like San
Miguel at Monterey Farms yng ibang buildings, but we kept that old building as
govt property.
So luma
na talga sya, kahit na pina-renovate na sya, hindi maalis yng creepy feels kasi
sadyang madilim ang rooms pati some parts ng lobby at corridors. Maraming wood
panels, may intricate designs yng windows, kahit divider lang e carved like
sculptures. Yng shape ng building, yng winding stairs na parang sa hotel, lahat
parang artwork ang dating. So maganda sya Kung sa maganda kht na Luma. Pero
halos pare-pareho ang reklamo ng mga tao sa ambience ng lugar.
Yung mga
tumira dun during trainings halo2x ang experiences. May nagrereklamo na hindi
sila makatulog sa gabi kasi may nagbubukas daw ng shower. Triple sharing ang
rooms, so yng pinakatapat ng banyo ang bumabangon para isara yng shower. Pero
kakasara lng, bubukas daw uli at maririnig mo pa yng pihit ng makalumang shower
valve. Naka ilang beses daw na ganun, halinhinan pa sila ng bangon para isara
uli, patunay na sigurado silang hindi Nila naiwan bukas yng shower. Hanggang sa
na takot na sila at di na lng pinansin.
Yng isang
grupo naman mga galing sa field offices namin. Mixed ang room assignments so
kht hindi from same region magiging roommates. After 3 to 4 days ng seminar,
kanya2x uwi na sa provinces. Minsan hindi sabay2x ang flights so may maiiwan pa
sa venue. Itong isang tiga Norte, last day yng bus ticket nya Kaya mahuhuli
talga sya ng check-out. Pagpasok nya sa room Nila nakita nyang nakaupo yng
isang roommate Nila, nakatalikod sa kanya, nkaharap sa window. "Ay nandyan
ka pa Pala.. Akala ko nagpahatid na kyo sa airport.", aniya habang diretso
sa banyo para mag-jingle. Medyo nagtagal sya dun, wash-up konti, retouch, etc.
Paglabas nya wla na yng colleague namin. So akala niya kakaalis lng. Sa labas,
chinika nya yng mga guard at receptionist." kakaalis lng Pala nina
Ms..mabuti para di sila matraffic." "ay Ma'am, kanina pa sila pumunta
ng airport.. Inagahan nga nila ng alis. Ikaw na lang naiwan sa room nyo."
sa takot nya, dun sya natulog sa sofa sa lobby that night para ksama nya yng
guard.
Pero
itong nanggagaya ng mukha na ito ay nakakadisgrasya rin... Nung minsan may
workshop dun, nagBreakOut grps at kanya2x n pwesto sa grounds ng bldg. Itong
isang group ginamit yng parang communal lobby area ng upper floors. Isang
participant magsiCR sana nang makita nyang tinatawag sya ng kasamahan nya sa
isang corridor ng isang wing. Naisip nya na baka may malapit na CR dun at gusto
magpasama. Mahaba ang hallway at nandun na sa may dulo yng kasamahan nya,
kumakaway.. So diretso sya ng lakad papunta dun. Bgla n lng narinig ng mga
kasama nya yng pagbasag ng salamin - apparently, she went through a glass
panel. Hindi nya napansin na may ganun harang nung kumakaway yng babaeng
kasamahan Nila. Buti konting galos sa bubog at bukol sa noo lng tinamo nya,
kasi nung nagkakagulo na sila, paakyat galing baba yng sinasabi nyang kasamahan
na kumakaway sa kanya.
Yng
training facility naman namin sa Baguio, itinabi sa dating cottage ng mga
officials. Modern 3-storey bldg, 1st flr yng rooms na dorm-type at may double
decks besides queen-size beds, may sariling kitchen at Sala area din. Sa 2nd at
3rd floor yng actual space for meetings and seminars na parang studio-type.
Alam ng
lahat na may nagpapakitang white Lady sa compound namin. Usually sa may labas,
sa may garden. Pero mula ng maRenovate yng cottage at pinagawa yng new bldg, sa
loob na daw sya usually nakikita. Kwento ng isang nightshift guard, nakikita
nya minsan sa loob ng cottage, naglalakad sa may Sala malapit sa old fireplace,
the only original feature retained. Dahil glass sliding door yng palabas ng
garden at tanaw mo sa loob yng mismo ng Sala at kitchen area, kht konting ilaw
lng galing sa poste, yng parang white na glowing figure ng babae sa loob e
talgang kapansin-pansin daw. Minsan daw parang may aninong Dadaan kht na poste
lng ang ilaw at wlang headlights ng sasakyan, o sa gilid ng Mata mo parang may
maaaninag ka na dumaan na figure.
Kapag
matagal rin daw wlang gumamit ng Dorm kasi wlang in-house trainings, at
nabakante ng matagal yng rooms, dun din daw naglalagi yng white lady, nagiingay
ng gamit kht nka-lock naman. Kaya ang ginagawa ng caretaker at guard, minsan2x
binubuksan yng lugar, pinapaingayan sa TV, etc. Sabi ni Manong guard, Kaya daw
dun sya sa may gate tumatambay kasi ayaw nya makita yng white lady sa cottage o
sa garden. Napipilitan lng sya sumilong sa may new bldg kng sobrang hamog o
maulan. Pero di raw nya masyado tinitingnan yng side na yun ng cottage sa
takot.
Ilocos University Dorm
Kababalik lang namin ng family ko
from Ilocos. At bigla ko naalala yng kwento ng friend ko nung na-billet sila sa
isang University dorm sa Norte during a training. Dahil gobyerno, syempre
tinipid na naman sila at imbes na hotel, sa isang school dormitory sila
pinatulog. 2 babae at 1 lalaki sila pero dahil training team at bakla naman yng
isa, nagDecide sila na mag-sama2x sa isang room. Pumayag yng organizer at dorm
manager kasi wla naman ibang titira that week at wla na klase. Training lng talga
sa mga school officials at govt workers na puro tiga-doon at maguuwian every
day.
Dumating sila daytime, maliwanag pa
pero pagpasok pa lang, medyo creepy feels na yng friend ko. Super luma na kasi
nung dorm, halos kasing tagal na since na-Establish yng state college na yun.
Matibay pa yng structure kasi gawa sa mga kahoy ng narra at kamagong, altho yng
roof ay makailang beses na inayos. Malalaki yng windows, gawa pa sa capiz, kaya
mahangin at may pumapasok naman na ilaw. Pero medyo mabigat daw talga ang
pakiramdam, may spaces pa nga raw na parang nakaka-suffocate - yng hallway
papunta sa CR area. Communal kasi yng banyo at yng single beds nila ay
nakahilera lang sa isang malaking room.
1st night, hiwa-hiwalay pa sila ng
bed, alternate at nilagyan ng mga bagahe nila yng empty beds in between them.
Pinakamalapit sa door si Bading, samantala yng friend kong professor ang nasa
dulo. Dahil mahaba ang byahe at pagod, nakatulog sila ng malalim. Nagising daw
si Prof friend kasi parang may naglalakad sa room. Nakaharap sya dun sa door,
so kita nya yng 2 kasama nya nakahiga sa beds nila at tulog na tulog.
Naramdaman daw niyang biglang lumubog yng side ng bed nya sa paanan...yng
parang may naupo. Parang nahila pa nga yng kumot at sumikip kasi parang may
nakadagan. Nanlamig na raw sya at natakot. Pinikit na lang daw nya yng mata nya
at nagdasal hanggang nakatulog uli. Di na nya nakwento sa mga kasama niya kasi
2 nights pa sila dun matutulog.
2nd night, yng kasama nyang babae e
na-jingle sa gitna ng gabi. Di nila sure kng dahil ba sobrang tapang, sobrang
antok o nahihiya pa manggising at magpasama, pero mag-isa syang nagpunta sa CR.
Pabalik na raw sya at naglalakad sa kahabaan ng hallway nung may narinig syang
parang impit na iyak, mahinang hagulgol ng babae. Nung matapat daw sya dun sa
may papuntang pantry, may nakaupong porma ng tao sa stairs. Either mahaba yng
hair o may parang belo sa ulo, nakayuko, at naka-halukipkip...kinilabutan na
raw sya at nagtatakbo papuntang room.
Kina-umagahan, nagkwento yng babaeng
staff at umamin na rin si Prof friend sa experience nya. Kaso, yng bading na
kasama nila ay hindi naniwala. Ang sarap nga daw ng tulog nya at wla naman
nararamdamang kakaiba. Naisip nilang magpalipat ng lodgings, pero nahiya na
sila kasi 1 night n lng naman. NagDecide sila to stick it out 1 last night,
pero magtatabi-tabi na sila ng beds, wla nang gap in-between. Dahil last day ng
training session, medyo nakapasyal at nakapag-foodtripping na sila sa plaza.
Pagod at busog nung natulog silang tatlo. Namalayan na lng daw ni Prof friend
na ginigising sya nung babaeng staff nila, medyo frantic ang shaking sa kanya
at tinuturo yng bading sa kabilang kama. Nakita ni Prof friend na nakalutang sa
ere si Bakla! Nakalaylay pa nga yng kumot nya pero tulog sya! Pa-sigaw nilang
tinawag yng name ni bading kaya nagising ito. Pero nung naRealize nyang
naka-float sya sa ere, nagtitili rin ito at dun bglang bumagsak sa bed.
Nagyakapan daw silang 3 at sa iisang bed na nagtabi-tabi. Binuksan nila lahat
ng ilaw hanggang magliwanag pero di na sila masyado nakatulog. Dali2x na lng
nagPack-up at nagCheck-out kinaumagahan para umuwi ng Manila.
No comments:
Post a Comment