Monday, January 19, 2026

Travel Horror: Haunted Museums

 

Museum: Balay Negrense, Silay

 

 

Nung 2017 may week-long conference ako inantendan sa Bacolod City sa Negros Occidental. Medyo hectic ang sked at madaming sessions required atendan sa city proper. Hindi ako masyado nakapasyal at sight-seeing, kaya on the last day, ni-rush namin ang pagiikot tutal evening flight ang pabalik namin ng Manila. As per advise ng taxi driver na inupahan namin, unahin namin yng mga medyo malayo tulad ng Campuestuhan, at yung malapit na sa airport ang last.

Madami kaming napuntahan na ancestral houses sa Silay, pero ang must-see daw e yung bagong Balay Negrense na highly recommended. Late afternoon na kami nakarating dun, papaalis na karamihan ng turista habang kami ay papasok pa lang. Parang alangan na yung tour guides at nagtuturuan na kung sino ang assigned sa amin. Mabilis kaming inikot sa first floor, sala at office/library, so nagtanong kami kung pwede umakyat sa taas. Pwede naman daw pero parang nagaalangan yung mga guide, sabi nung medyo mas nakakatanda, bilisan na lang daw namin kasi magsasara na sila.

Sa grand staircase na pagdating sa landing e naghihiwalay ng left at right, medyo may naramdaman ako kakaiba pero yung partner ko, sige sa pagpapa-picture. Pagtingin ko sa taas, may malaking mga paintings nung mga dating pamilya na nakatira dun - babae't lalaki sa magkabila na parang nakatingin sa iyo. 2nd floor, may malaking sala uli na nakabalibot ang mga kwarto ng mag-anak. Yung malapit sa balkonahe, maliwanag pa at maaliwalas. Pero yung sa may kaliwa, kwarto daw ng mga anak na babae, medyo madilim at iba ang vibes. Di ko kinayang masyadong tingnan kahit na ang dami magagandang antique furnishings na turn-of-the century.

wala na kaming kasamng ibang turista nuon. Napansin ko yng tour guide namin hindi na lumapit para samahan kami sumilip sa mga kwarto, nandun na lang siya sa may hagdan at parang minamadali na kami bumaba. So tinanong namin pabiro, "bakit ate, may multo ba dito?" nagtinginan sila nung isang kasama nya at tumawa na parang ninenerbyos.

Sa likod, pinakita nila yung garahe, at servant's quarters na ngayon e ginawang Souvenir Shop at Guest Restroom. Takipsilim na nun at may ilaw na silang binuksan, pero biglang nagpitik-pitik yng mga ilaw...patay-bukas, patay-bukas.. "Hayan na sila..." sabi nung isa pa nilang kasama habang dali-daling nagsimulang magsara ng mga pinto.

Sa labas, sa malawak na garden, nagpicture-taking uli kami. Dun ko napansin na may napakalaking puno sa tabi nung 2 kwarto sa kaliwa, yung sa mga anak na babae daw. Kaya pala creepy yung room kasi katabi yng malaking puno na yun... at siguradong may nakatira dun kasi ang lakas talga ng scary factor. Madami nako nabisita na ancestral houses na ginawang museums, pero iba talaga yung nega vibes na naramdaman ko dun. Ang feeling ko kasi kung nagtagal pa kami at mas dumilim pa, may magpapakita na talga.

 

 

Museum 2: Burgos Museum, Vigan

 

Hometown ng Mama ko ay nasa Ilocos kaya madalas kami umuwi dun. Karaniwan, may mga friends at classmates na sumasama para makita ang national heritage site ng Vigan. Besides the usual old churches na iikutan, madalas sa mga museums din namin sila dinadala. Mainit at tirik ang araw every summer, so ang perfect time pumasyal ay sa hapon na. Minsan, ang last na pinuntahan namin ay yung Burgos Museum, ancestral home ni Fr. Burgos, isa sa mga 3 paring pinatay nung panahon ng Kastila. Ito ang first public museum na inopen sa Vigan pero dahil govt-operated, through the years napabayaan na. Magtatakipsilim na nun, magsasara na sana sila pero pinagbgyan kami na last visitors. Pagpasok sa 1st flr nandun yng iba't ibang uri ng mga sasakyan na hinihila ng kalabaw o kabayo gamit sa pagsasaka, may mga lumang salakot at native na kapote gawa sa mga dahon, tradisyunal na mga itak, kutsilyo, etc. Sa gilid may labasan papuntang garden kung saan nandun yung sinaunang gilingan ng tubo, yng umiikot na hinihila ng kalabaw. Tulad ng lahat na sinaunang "bahay na bato", ang 2nd floor kung saan talagang naninirahan ang pamilya ang may mga antique furnitures. Pero sinabihan kami nung mga tour guides na umakyat lang kami, hindi na nila kami sasamahan. Weird, kasi di ba tour guides nga sila..naisip namin siguro pagod na sa maghapon at gusto na lng makauwi agad. Kung wala sila magkokomentaryo, mabilis lang din kami iikot at aalis na rin agad. So umakyat kami, ikot-ikot sa mga kwarto, 4 -poster bed ni Padre Burgos, arinola sa ilalim, maliit na altar, etc. Humiwalay ako kasi gusto ko makita yung view sa may veranda palabas sa garden, hanggang sa naiwan ako ng grupo. Minsan, ramdam mo na parang may kasama ka sa pagiikot, may sumusunod sayo o parang may nakatingin sa iyo. Ganun yng feeling ko, pero fascinated kasi ako sa mga makalumang gamit at bahay, so hindi ko pinansin. Pagbaba, nung palabas na kami, nalingon ko yng veranda...may matandang lalaking nakaupo,malapit dun sa lumang balon, puting pajama ang suot, yung parang damit ng katipunero...nagtatabako siya...hindi yosi kasi iba ang amoy ng tabako, mas malakas, mas puro ang usok. Naisip ko baka katiwala rin dun kasi yng mga tour guides nandun na sa labas ng front door, naghihintay sa amin. paglabas namin, bigla na nila ni-lock yng pinto.Sabi ko, "o, bakit nyo sinarhan yung kasamahan nyo..maiiwan ba sya dyan magbantay?" Nagtinginan sila, nagtataka..sabi nung pinakamatanda,"wala po naiiwan dito kapag gabi, umuuwi kaming lahat lagi since govt-run at volunteer nga lng po yung student-tour guides."

 

Museum 3: Carcar Puericulture and Dispensary, Cebu

Malimit ako may official travel sa Cebu nuon, at minsan dahil sa ginagawang research para sa isang programa, naatasan akong dumayo sa ibang municipalidad ng Cebu province. Madadaanan namin ang Carcar na sikat dahil s kanila ng chicharon, lechon at ampaw. Pero mas gusto ko makita yng lumang simbahan nila. Tulad ng mga set-up ng ibang bayan, simbahan ang sentro ng komunidad, may plaza sa gitna, at sa magkabila ang munisipyo at eskwelahan. Pero dito sa Carcar, meron silang lumang puericulture (maternity at baby hospital) at dispensary na ginawa nang museum. Tinayo nung panahon ng Amerikano bilang sinaunang 'rural health center', ang arkitekto nya ay typical early 1900s style, pinaghalong traditional Filipino at solid, angular design ng mga Amerikano. Dahil renovated at refurbished, ginaya nila uli ang original na puting pintura na signature American style.

Hapon na yun kasi pauwi na kami galing Barili, sasaglit lng talga kasi maganda daw yng museum. Buti hindi pa nagsasara at may available pa na tour guide. Several rooms sa baba, cguro yun ang treatment rooms ng mga pasyente dati kng saan ginagawa ang check-up, may parang pantry ang disenyo na yun daw yng pinaka-pharmacy nila ng gamot, tapos may daan palabas sa likod sa may parang kusina, papunta na ng pool.

Solid narra yng stairs paakyat, at dun talga sa 2nd flr yng pinaka-museum. May display ng lumang kasuotan, musical instruments tulad ng harp, tuba trombone, manual sewing machine, phonograph, at mga lampara na De gaas. Dun sa dulo na Kwarto na ginagawa daw tulugan ng bisita, may mga lumang imahen o rebulto ng mga santo na inukit pa sa kahoy. Ganun daw yng mga unang religious icons, hindi pa gawa sa ivory o plaster na babasagin.

Napansin ko lng na medyo sira na yng iba, wala nang kulay at halos hindi na makilala yng mukha ng religious image. Naalala k yng sabi s probinsya ng Mama ko sa Ilocos na masama daw yng mga sirang imahen. Dpat daw inililibing na at ide-consecrate. Kung hindi, bka daw kasi pamugaran ng bad spirits. Hindi ko rin gusto yng vibes nung Kwarto na yun, parang ayaw magpapasok..madilim at mabigat yng feeling. Para ako na so-suffocate kht na may hangin na pumapasok mula dun s malawak na balkonahe. Di namin pareho feel ng partner ko yng lugar, kaya Dali-Dali rin kami bumaba.

Sa labas, sa may gilid ng building, may pool... Sa mga Amerikano nuon, lagi ksama ang pool sa recreation at relaxation nila dahil na rin siguro mainit sa Pilipinas. Naisip ko din na dahil parang maliit na ospital, bka may mga nagpagaling na sundalong nasugatan sa WW2 dun. Usually kasi sa mga poolside, dahil open air, maaliwalas at syempre happy2x ang mga pumupunta dun, parang masaya ang aura ng place. Pero itong pool na ito, malungkot ang dating.. Hindi ko alam kung dahil sa kulay na dark gray na semento, o wla man lng tiles, pero ganun yng feeling nya. Kaya rin di kme ginanahan magpapicture dun kasi parang tuyong fishpond n lng sya. Pati yng diving board tinanggal na. Magdidilim na rin nun at parang gusto na talga magsara nung tour guide, so umalis na kami after a few fotos dun sa stone bench sa parang side garden.

Later, mapapanuod ko sa TV, Kmjs yata yun...meron daw pala naririnig na babaeng umiiyak dun. Minsan ay nagpapakita o nagpaparamdam din.

 

Museum #4: Las Casas Acuzar, Bagac, Bataan

Mahilig ako sa museums at old houses kasi history buff ako. ayoko sana magkwento ng mga experiences ko dun kasi bka lalo umayaw ang mga Tao na hindi nahilig sa mga ganitong tourist spots. Pero uso n raw ang 'Dark Tourism' at ganito na raw ang bentahe ng ilang lugar as tourist destinations.

Itong isang napuntahan namin sa Bagac ay hindi lng Isa, 2 o 3 museums...isa syang malaking-malaking lote na bawat bahay ay tinaguriang museum. Ginastusan ng husto ito dahil bawat bahay ay kinuha kng saan2x para maisalba at maitayo uli dito. Tunay na maganda syang dayuhin, pero medyo mahal tunguhin kasi kailangan may sasakyan ka dahil pa-loob sya.

Dahil sa mga naging karanasan namin sa ibang museums at ancestral houses, alangan ang partner ko puntahan ito. Pero Bday bucketlist ko ang Bataan, kaya pumayag na rin sya. Isinama namin yng pamangkin nya at GF nito, at ang anak namin. At least marami kami, jst in case.

Sa reception area, parang hotel lobby lng. So modern, bagong-bago, wla ka gaano mararamdaman. Pagsakay sa jeepney na magdadala sa inyo pa-loob sa mismong kinatatayuan ng mga bahay, matatanaw mo na ang ilang bahay. May super luma na, gawa sa kahoy ang kabuuan tulad ng Cagayan House, at meron din mga 'Bahay na Bato' galing Laguna at Nueva Ecija na ang first floor ay gawa sa mas matibay na materyales.

Habang naghihintay sa aming assigned na Tour Guide sa Casa Mexico, pinayagan kaming mag lakad-lakad muna sa mga katabing bahay. Picture2x sa mala-plazang grounds, Instagramable na gardens. Dahil masyado maraming tao sa Casa Byzantina, dun kami sa kalapit na Casa San Miguel umakyat muna. Maganda ang staircase, ang porma daw na ito ay normally sa likod, sa may azotea pero nilipat daw nung na reconstruct para ma-highlight. Paakyat pa lng, medyo alangan ako. Yng Feeling na parang nahihiya ka umakyat sa bahay ng hindi mo kilala. Sa loob, dire-diretso yng 2 teenager sa may billiards table at dun nagposing for fotos. Itong partner ko naman, aakmang uupo sa Isa sa ilang butaka o traditional armchairs na nakapalibot sa malawak na Sala. Pinigilin ko sya at napasigaw ng, 'wag ka dyan!' ang lakas kasi ng feeling ko na parang may nkaupo dun. Ikot2x kami sa loob, pero napapatingin ako sa isang corner kng saan may Isa pang upuan. Sa gilid ng Mata ko, parang may naaninag kasi akong Matandang babae na nakaupo, dark ang suot kasi parang maitim na anino lng sya. Maganda Sana dun at balita ko pinapaupahan pa nga yun for overnight accommodations. Pero kht yng nauna ng grupo sa amin, parang nagmamadali rin bumaba.

Dumating na yng tour guide at inikot na ang grupo namin. Marami kaming bahay na pinasok, wla naman akong gaanong naramdaman. Pero may ilang gamit sa loob na parang mabigat ang dating sa akin. Tulad ng mga lumang salamin, lalo na yng nakakabit sa aparador..dun yata sa tinatawag na Luna House yun. Naalala ko yng mga napapanuod ko sa MGB at Kmjs. Dpat Yata yng mga ganung salamin ay tinatakpan n lng.

Samantala, sa may bridge na replica daw ng Jones Bridge sa Binondo ay may replica ng old Hotel De Oriente, at ilang metro lng dito ay yng Casa Hagonoy sa may tapat ng maliit nilang lake. Sinulit ang view kasi bongga rin ang stairs sa harap at yng veranda sa taas nito. Paikot o pabilog, panoramic ang peg. Pero sa loob, maliit ang space at medyo masikip. Dahil na rin siguro puro gawa sa maitim na kahoy yng bahay, nakaka-claustrophic. Ilan n lng kaming pumasok hanggang dun sa dulo sa may kusina at dining area daw. May hagdan pababa na paikot, makipot lng. Daanan daw ito ng mga katulong. Dito na naman ako nakaramdam ng kakaiba na lamig. Pero wla ako choice kundi dun lumusot din dun kasi nandun na sa baba lhat ng grupo ksama ng tour guide. Nung naka-rejoin nako sa kanila, Sabi ng partner ko parang galing ako sa aircon nung nadikit yng balat ko sa kanya. E tirik ang araw nuon at lhat ay pinagpapawisan at sunburned na sa kalalakad.

Nagtapos yng tour at naghiwa-hiwalay na para kumain. Nagsabi yng 2 teenager namin na yng ibang bahay daw masyadong creepy. Buti n lng daw at hindi kami matutulog dun. 

 

Travel Horror: Some Spooky Hotels

 

Tagaytay Hotel (Days Hotel)

 

May office seminar kami a few years ago na sa Tagaytay ginawa. Again, dahil sa govt agency kami, dun kami sa murang venue lng. So usually mauuwi kami sa pangit o sobrang lumang accommodations, or hindi masarap ang food.

Itong nakuha naming hotel ay medyo luma na, pero nung kasikatan nya, maganda naman daw ito. In fact, kilala itong maraming iba't ibang branches around the Phils. Strategically located sya near the Rotonda, malapit sa mga restos, mini-marts, at mga spa. May katabi pa nga pasalubong center Kaya makakabili agad ng iuuwing goodies.

Maluwag at spacious ang rooms Kaya OK lng kht triple sharing. Food ay OK rinn naman at hindi tipid ang serving kht guided buffet. Malawak ang garden sa likod, multi-level pa nga Kaya maganda ang landscaping. May pool din pero parang hindi na masyado ginagamit kht na may jacuzzi pa sya. Hindi inviting ang dating sa akin ng pool...masyadong 'patay' ang energy, parang matagal nang wlang masayang tumatawa dun, o nagkakasiyahan habang nagsi-swimming.

May Isa kaming ksama na bukas ang 3rd eye. Alam namin na lagi sya nakakakita o nakakaramdam. Nung Kararating pa lng namin, niloko namin sya kng may nararamdaman b sya. Sabi nya, 'Naku, kng meron man, hindi ko sasabihin sa inyo until makauwi na tayo.'

After checking in, free time muna kami kasi kinabukasan pa talga ang session. Grupo kaming magiikot sana sa hotel para mag foto-op. Hinanap nila agad ang daan papunta sa pool sa likod. Bababa ka muna sa parang basement bago makarating sa side doors palabas sa garden at poolside. Pagkababa namin, d namin agad makita yng exit door kasi parang mahabang hallway sya. Nung didiretso Sana kami sa isang exit, pinigilin kami nung Ofc mate namin na open ang 3rd eye. Pilit nya kami pinadaan sa kabilang side na exit. Pansin Kong malamig dun sa hallway na yun kht na kulob na basement at summer pa nun.

After ng first night namin, yng isang roommate namin started feeling sick. Kaya nung 2nd day, umuwi na sya ahead of us at hindi na natulog dun. 3rd day pa kasi talga ang uwian. Pero nung 2nd night, bumangon ako para mag-CR. Papunta nako s CR n malapit sa door nang may bglang parang sumalubong sa akin na hangin. Iniisip ko na baka yng aircon lng sa room ay naka-swing Kaya naramdaman ko bgla yng lamig.

Kinaumagahan, ako naman ang masama ang pakiramdam. Nagsusuka ako at nilalagnat. Para pa akong magchi-chill. Buti n lng dumating agad yng bus namin at natulog lng ako hanggang makauwi ng Quezon City.

That Monday, pagbalik sa ofc, nagkumustahan kaming mga nagkasakit. Sabi ko, the moment na sumakay ako ng bus at umalis kami, parang guminhawa na pakiramdam ko. Sabi naman nung roommate naming umuwi ng maaga, feeling nya may kinalaman yng nasalubong nyang malamig na hangin sa room namin. Kasi OK n rin daw sya agad paguwi nya, parang wlang nangyari. Tapos nagsalita yng ofcmate naming open ang 3rd eye, meron daw talga dun s hotel. Nakita daw nya nung papunta kami sa poolside nung 1st day pa lng. Nakatayo daw dun sa exit kng saan Sana kami dadaan Kaya pinilit nyang sa kabila kami lumabas. Isa daw itong 'black lady.'

 

 

Eastern Manila Hotel (Las Brisas Eastern Mnl Hotel)

 

Nung Focal Pax pa ako ng Elderly Sector, marami akong orientations at technical assistance na binibigay sa baba. Ibig sabihin, laging may byahe, paikot-ikot ng Pinas, back-to-back speaking engagements. Dahil hindi enough ang regional trainings lang kasi konti lng ang participants na nakakarating, naisipan ng ibang Field Ofc counterparts na gawing per province at ipa-co-sponsor sa Governors ang activity.

Minsan, ang venue ay sa Antipolo kasi ang mga senior citizens audience ay lahat from Rizal. Ang napiling hotel ay luma na, although kasikatan nya nung 1970s, at puro govt agencies din ang suking customer. Ang chismis, crony daw ni Marcos ang may-ari dati.


Malawak ang area, sinunod ang natural topography ng lugar kaya pati yng creek sa gilid ay na-maintain at pwede pa bumaba at mag-mini trekking. Sa harap, maraming parking space kasi yng dining area ay pwede ring restaurant for day visitors lng. Sa gitna ang pavilion for training sessions at sa bandang likod ang mga rooms for accommodations. Magkakahiwalay na buildings yun, may connecting walks na dumadaan din s garden.

Hindi na masyado naka-landscape, pero malago ang mga halaman; daming bulaklak at bunga ng mga fruit-bearing trees, santol, kaimito, mangga, macopa, na mistulang growing wild lng. May alaga silang monkey sa may parking, pero napansin ko yng birdcage sa may garden, sa labas ng resto, walang laman. Sabi nung waiter, lagi daw namamatay yng mga ibon. At least yng napabayaang aquarium e may 2 o tatlong isda.

Bago ang lecture ko, gusto ko sana munang mag-freshen up. Dahil hindi naman ako nagcheck-in, dun lng sana ako sa communal CR. Ang kaso,dun din sya located sa likod sa building ng accommodations. Eto yng pinakamalaking building, mistulang main house, maraming muebles na sosyal, bongga ang furnitures at assorted decors na halatang souvenirs galing sa byahe sa abroad. Meron din ilang wood carvings at native ornaments na galing naman sa iba't ibang probinsya. Maganda sana, instagramable talga, pero parang may lungkot yng lugar..dahil siguro matagal nang wla masyado tao, napabayaan na. May napansin din akong lamig na kakaiba. Binilisan ko na lng mag-CR kasi wla akong ibang kasama sa buong bldg na yun.

Nung nagkakainan na kami, narinig ko nagpapatawa yng isang host namin. Sabi nya, sino daw ba yng mga lolo na nagpa-late ng tulog the night before kaka-videoke sa socials/fellowship...kasi nagkatakutan daw nung pabalik sa room, may sumusunod daw sa kanila sa hallway na babae e bilang daw nila mga ksama nila. Sabi naman nung isang trainor, hindi daw sya nakatulog kasi may katok ng katok sa pinto nya. Pagsilip nya, wla naman daw tao sa hallway. Ang worst, yng isang lola nagsabi, hindi daw sya nakatulog kasi may naririnig syang babaeng kumakanta buong gabi. Tapos sabi nung 2 pang lola, 'ay, narinig mo rin?' Buti na lng talga hind ako nagcheck-in at naguwian ako nung araw na yun.

 

 

 

Region 3 Experience (Fontana, Angeles, Pampanga)

Kwento ito ng kaibigan ko na nagwowork din sa isang govt agency. Tulad namin, madami din silang mga training at seminar na minsan ay ginagawa out-of-town. Dahil madaming pasilidad na naiwan ang mga Amerikano, mandalas sa Subic, o Kaya naman dun sa mga naiwang housing na ginamit sa ASEAN o APEC sa Pampanga.

Itong naging venue nila ay maganda at bago pa. Kanya2x cottage ang accommodations nila, pero ang pinaka-conference hall ay naka-hiwalay na building sa gitna. May sementadong Daan na iikot ka pa, so mas gusto nilang mag-shortcut sa parang talahiban na dirt path.

Madalas magkakasama silang dumadaan dun s dirt path, sa umaga pag-breakfast at pagtapos ng session sa hapon. Meron din Ilan sa kanila na umuwi sa cottage kapag lunch break, pero wlang mag-isang naglalakad dun.

Itong friend ko ay bglang nabanyo after lunch. Nahiya sya gumamit ng common CR sa may conference hall Kaya binalak nyang umuwi sa cottage nila. Dun sya dumaan sa talahiban papunta, so naisip nyang pabalik, OK lng din dun dumaan kht nagiisa. So pagkatapos magbanyo, bumalik na rin sya agad.

Naglalakad sya dun sa dirt path ng makita nyang may makakasalubong syang babae. Habang papalapit, napansin nyang itim ang damit, mahaba ang buhok, at yng unang tingin nya ay medyo dalaga pa, matanda na pala.

Tuloy lng sya sa lakad, at binati pa nya ng, 'magandang hapon po' at sya pa ang nagbgay sa Daan, gumilid, para hindi sila mag tama ng Matanda. Hindi sya pinansin pero pagkalagpas nila, bgla syang kinilabutan. Nilingon nya at nakita nyang sumusunod yng babae sa kanya.. Pero hindi nakalapat ang paa sa lupa. Nakalutang! Nagdasal sya ng Our Father at Hail Mary habang binibilisan ang lakad, halos tumakbo. Pero ginaya daw ang dasal nya, at tumatawa pa daw! Maigsi lng Sana yng shortcut na yun, pero parang ang tagal daw nyang makalabas dun s talahiban. Pagdatng nya sa conference hall, namumutla sya at hindi makausap. Pinainom sya ng tubig pero matagal pa bago sya nakapagkwento. Mula nuon hanggang matapos ang training, hindi na sila dumaan dun.

Nung pauwi na sila, at hinihintay yng sundo nilang bus, nakakwentuhan nila yng security guard sa may Reception. Tinanong nila kng may mga experience dun sa lugar. 'Ay oo, Ma' am! Ako nga minsan nagroronda ng gabi, may narinig akong parang tunog ng paa ng kabayo dito sa loob ng building. Alam nyo yng sound ng kabayong humihila ng kalesa..klak, klak, klak sa semento. Pagtingin ko sa likod ko, may nakita ako na nilalang na kabayo ang ulo at paa pero parang Tao yng gitnang katawan. Umakmang tatakbo at hahabulin ako! Nagsisigaw ako at lumabas ng building. Dun n lng ako sa labas magdamag naghintay ng Liwanag.'

Ang sabi ng mga tiga roon, nung sumabog daw ang Mt. Pinatubo, may mga nilalang sa taas ng bundok na napilitang lumikas din. Mga di normal na nagkikita at nakakasalamuha ng Tao, pero dahil wala n rin silang mapuntahan, lumipat sila sa teritoryo ng Tao na hindi masyado nagagamit o natatauhan. Sa kasamaang-palad, nagaagawan na sila ng espasyo ngayon.

 

HALINA SA LUCENA

This was about a decade ago when I first visited Quezon province at first time ko mag-drive mag-isa on an out-of-town trip all by myself. I was still with my Ex then na tiga-Lucena ang mother-side nya. Namatayan sila ng isang relative at syempre naguwian para makiramay. Nauna na sya dun, so sumunod n lng ako after my work week. Medyo malayo rin kasi at ilang oras din ako magbabyahe, so inagahan ko ang alis ko from Quezon City.

Nakarating ako before lunch, just in time for brunch o maaga ng tanghalian. Madaming Tao sa haus nila... Halos wla ka na mapwestuhan. Nagsisiksikan ang mga kamag-anak at kapit-bahay. Obviously, hindi pwede makitulog lng dun. Naguusap kme ni Ex na humanap ng maliit na hotel o pensionne house na pwede tulungan. At nirekomend ng mga Tao yng malapit lng na hotel.

Malaki ang compound ng hotel na ito. Maluwag ang parking space. So dun pa lng, sold na ako. Dati daw itong sikat na hotel kng saan madaming kasal at debut parties ginaganap. Maganda rin siguro yng garden nuong una, pero wla ka na makikitang landscaping o mga bulaklak nung time na nandun kme. Dun p lng ramdam mo na parang patay o malungkot yng energy.

Yng mga decors nila, paintings, sculptures at furniture circa 1970s pa. So parang retro ang dating, para kang na time-warp. Ang sabi nung relative nya na sumama sa amin, lagi daw dun mga govt officials dati. May mga matataas na Tao, mga crony daw si Marcos na nagdadala pa ng mga chicks nila. Hindi ko alam kng dahil off-season ba nuon, pero napansin kong walang gaanong tao. Walang ibang guests na naka-check in, at kht staff mismo ay kakaunti lng.

In fairness, binigay sa amin yng isang executive suite. Super laki ng room, ang size ng Sala e pang Isa pang Kwarto. Maganda din ang sariling CR, may bathtub na mala-jacuzzi ang design. Di pa uso ang wifi nuon, pero may cable TV naman na kuha ang local channels kht paano. Again, yng design ng matrimonial bed, pati mga lamps at tables and chairs e circa 1970s.. Kulang na lng e may disco Ball na nakabitin sa ceiling.

Pinayagan kami maaga mag check-in before 2pm. So nakapag-freshen up ako habang nag-short nap si Ex. Maliwanag pa nuon pero yng hallway at stairs paakyat e medyo creepy ang dating asa akin. Bumaba ako sandali para may kuhanin sa kotse, pero ang weird ng feeling kasi malamig dun sa hagdanan kht nasisikatan ng araw mula sa bintana. E di naman uso ang centralized air-conditioning sa mga ganung building. Madilim din yng hallway, para ka pang napipilitang tumingin dun sa dulo.. buti n lng nasa bukanan lng yng room namin Kaya pumasok ako agad ng pinto.

Nagdinner kami dun sa haus ng mga relatives ni Ex, at after ng kainan at konting kwentuhan, nagpaalam na rin kami agad. Inaantok na kasi ako. Nung naghahanda na kami mkatulog, sinabihan ako ng Ex ko na siguraduhing nka-double lock yng pinto. Feeling unsafe sya e tiga duon sya. Pero alam ko din kasi na nakakaramdam itong si Ex. Magaling pa nga manghula sa baraha at nagkakatotoo yng mga nababasa nya. Kaso may side effect sa kanya yng panghuhula...lumalakas yng mga pakiramdam nya at minsan nagkaka-nightmares sya na halos bangungutin sya. Pabalik nako sa kama nung bglang pumitik-pitik yng ilaw. Sabi ko, 'Uso din pala power fluctuation dito s Quezon..' Hindi sya umimik at hinayaang Naka bukas yng TV para dagdag ilaw sa mga lamps, nung binabaan ko yng main lights. Narinig ko na may naglalakad sa labas. Akala ko Isa sa mga hotel staff na nagchechek sa amin at nang tumigil sa may pinto namin, hinintay kong kumatok. Pero nung wla, bumangon uli ako at in open ko lahat ng ilaw uli. Pansin ko na parang di kumportable si Ex.

Maya-Maya pa, bglang nasira yng TV...nawala yng channel na pinapanood nya. Para rin nagpatay-sindi Kaya napa-hiyaw si Ex. Hindi ko pinahalata na natatakot na rin ako. Pero dahil hindi tumitinag si Ex sa kama, ako uli yng umiikot at nagcheck ng mga ilaw at connection ng TV. Silently, nagdadasal na ako ng prayer of protection. Natulog kme open lahat ng ilaw pati sa banyo.

Kinabukasan, maaga rin kme nagcheck out. Babalik pa sana kami dun after breakfast sa kanila, pero naisipan namin na wag na bumalik sa room at dala na lhat ng gamit pagbaba. Hindi namin pinagusapan kng ano yng na-experience namin dun. Pero habang nagdadrive sya bgla sya nagkwento na the worse daw yng experience nya s isang motel s Tarlac minsan galing sya ng Baguio. May matandang babae na naka-itim daw na nagpakita sa kanya sa panaginip. Yng isang napagstay-an din daw namin na bagong appartelle sa may Mindanao Ave., QC, nanaginip sya ng isang lalaki naman daw na nagpakilalang 'Diego' at may kinalaman sa eskwelahan ang pagkamatay nya.

Buti na lng nagkahiwalay rin kami, kasi nahahawa na rin ako sa mga experiences nya at hindi ko na ma-take.