Thursday, June 1, 2023

Travel Horror - Eerie Dormitories

 

EERIE DORMITORIES

Dorm

Nagaral ako nung late 80s sa UP LosBanos. In my sophomore year sa college, i decided to move out of my uncle's family home and moved sa isang Co-ed (boys and girls) dormitory within the campus. Tulad ng history ng university na puno ng kwentong WWII, oblivious ako sa mga kababalaghan sa dorm. Basta excited ako to be living the life na napapanuod ko lang sa mga 80s Hollywood teeny-bopper movies.

Yung first few months ko, for summer classes lang, so konti ang naka-dorm kasi naguuwian yng iba sa malalapit na hometowns. Yung iba naman tiga-Manila talaga, nag-cross-enroll sa Diliman at Manila campuses. Supposedly, 3 kami sa room na apatan. Pero tiga-Calamba lng yng isa kaya halos everyday naguuwian. itong isa naman, may relative sa pinupuntahan every weekend. So ang nangyari, may mga days ako lng mag-isa sa room.

First experience ko, may kumatok sa pinto na dahan-dahan, hindi magkakasunod..mabagal at dadalawa lng, usually, kng tao..tatlo agad na malakas at mabilis "tok, tok, tok." pero ito, "tok (mahabang gap) tapos tok" uli. Hindi ko roommate for sure, kasi besides hindi kami usually nagla-lock ng pinto kng may tao na sa loob, lahat din kami may sariling susi. At kung wingmate naman yun o friend, may kasabay na pagtawag ng pangalan o "knock, knock..hello" yun. pero walang kasamang boses kht sagutin mo ng "Pasok, bukas yan.." Pagbukas mo naman ng pinto, at sisilipin...walang tao sa buong hallway sa labas.

Minsan naman, kapag natutulog ka..may kakatok din sa ilalim ng kama mo. Double-deck kasi beds namin na gawa sa kahoy pero ang foundation bakal at nakadikit ng solid sa pader. Pero dahil sa lakas ng katok, mararamdaman mo sa likod mo at magigising ka. Pagsilip mo, wala naman yng roommate mo sa ilalim, at worse minsan magisa ka sa kwarto. Swerte na rin ako na hanggang katok lng na-experience ko, kasi yng ibang dormmates mas malala ang experience – inalog buong kama na parang earthquake, halos mahulog sila. E nakapagtataka, solid nga yng pagkakakabit ng beds naming sa wall..kht magtatalon yng roommates mo o yng nasa kabilang room, hindi pwede gumalaw ng bed.

Yung worse experience ko yung may narinig ako. Exams week yun at nagrereview ako for my Financial Mgt class. Nagpupuyat magisa kasi tulog na 3 kong roommates. Dun ako sa corner table ko, kasi kanya-kanya kaming space as study area. Naka-lock din door kasi wala na lumabas para mag-CR sa amin. Biglang may umungol sa mismong tabi ng tenga ko, yung panaghoy na parang iiyak..ang kakaiba, parang galing sa ilalim ng lupa yng boses! Napabalikwas ako, tingin sa likod ko…tulog yng 3, wlang ibang tao sa room. Natalon ko in one leap yng kama ko sa top bunk na halos d ko nagamit yng hagdan.nagtalukbong ako ng kumot at pilit na natulog. Di ko na napatay yng ilaw, bahala na kung magising yng mga roommates ko. Sa umaga nako mage-explain sa kanila kung sakali..Mula nuon hindi nako nagpupuyat mag-review ng mag-isa.

 

Dorm 2: Communal CR

Kilala ang UP Los Banos bilang one of the most haunted places in the Phils. Pero dahil isa itong college campus karamihan sa mga kwento ay galing sa mga experiences ng mga students sa dormitories. Besides mga nangyayari sa rooms, minsan din sa communal Banyo ang ibang katatakutan.

Meron dyan na 'tradition' na ang mga bagong freshman usually ay 'nabibinyagan' ng kababalaghan sa CR. Sa Men's Dorm (co-ed sya actly) may common n mga bakya/wooden clogs for use sa CR para iwas putik. Yng kapatid ko nagising sa gitna ng gabi kasi naiihi, tapos nakita nya yng lahat ng mga bakya hinilera na parang train papunta sa isang cubicle.. Yng parang pinaglaruan ng Bata para sundan mo yng trail. Buti hindi na nya sinilip kasi antok daw sya. May kwento din na umiihi yng isang dormer, takot sya magisa syempre pero ng narinig nya na parang may pumasok s CR, natuwa sya na may ksama na sya. Tumigil yng footsteps sa tapat ng cubicle nya, so nagsabi sya, 'sandali lng, Matatapos na..'. Pero nung pagbukas nya ng pinto, isang pair lng ng bakya yng nasa harapan nya, wlang taong nakatayo dun!

Mahiwaga din ang mga salamin sa communal CR. Dahil nga maraming gagamit, tulad ng cubicles ng toilet at shower, isang hilera din ang mga lababo at sa harap nito, isang mahabang salamin. May mga kwento na may Isa daw dormer na naghihilamos magisa. Syempre tingin2x muna sa salamin, check 2x, pa-cute... Tapos bgla nya napansin na nag-iiba yng mukha nya. Hindi na sya yng nasa salamin at isang Matandang babae na pangit at nanlilisik ang mga Mata ang nkaharap sa kanya! Hinimatay yng student at natagpuang nakahandusay sa sahig ng mga roommate nya.

Yun naman kwento sa Women's Dorm, meron daw isang Iglesia na student. Maaga daw gumising para sumamba. So diretso sya sa CR para mag quick shower. Medyo madilim pa yun, wla pang ibang gising kasi kapag tagulan, malamig sa Uplb, parang Tagaytay. Habang nasa-shower, may naramdaman daw syang pumasok. Pero unusual yng yabag ng footsteps...mabagal, para daw may hinahanap. So, humarap sya sa door ng cubicle, lumayo konti while her back was to the shower. Feeling nya papunta sa kanya Kaya inaabangan nya yng shadow o paa sa siwang ng cubicle sa baba ng door. Pero ang bigla daw tumambad sa kanya e sobrang itim na mukha at 2 pula at nanlilisik na Mata. Nagsisigaw daw yng dormer pero nakuha pa nyang itulak ang pinto at tumakbo pabalik ng Kwarto nya.

 

Dorm Story #3

Ang Men’s Dorm sa gitna ng UP Los Banos campus ay actually Co-Ed dorm. Tatlong units ay okupado ng mga girls, at dalawa lng ang naiwan sa boys. Unit 1 ang original at pinakalumang section, sa likod nya ang Unit 2 also for boys. Ang nakaharap sa Baker’s Field ay yng Unit 3 and 5, tanaw ang kalsada sa harap at sa magkabilang gilid. Nasa likod ng Unit 3 ang Unit 2, ang pinakalumang Girls’ wing at ang katabi nila ay ang YMCA dorm for boys. Samantala, sa gilid ng Unit 5 at Unit 2 ay ang kalsadang paakyat sa VetMed dorm at ang SEARCA dorm. Across ng kalsadang ito ay Women’s Dorm naman.

Besides yung mga una kong kwento ng mga kumakatok sa room, nanguuga ng kama, at communal CR experiences, may iba pang mga kwento ang mga dormers. Between rooms na magkakatapat, may common area na hallway ang mga Units. Meron tiga-2 long tables with built-in benches ang bawat wing kung saan pwede kumain o mag-aral ng magkakasama. Usually kapag exams week, siguro dahil mataas ang stress level ng mga students, mas maraming kababalaghan na nangyayari. Nakakaistorbo nga kasi kung kalian busy ang lahat e yun naman nagkakatakutan.  

Ang mga Units ay hanggang 2nd floor lang. Pero dahil wooden staircase pa, maririnig mo ang mga yabag lalo na kapag nagmamadali at late na sa klase. Sanay kami sa sound ng dumadagundong na footsteps sa stairs. So minsang Finals week, ang bukas lng na ilaw sa hallway at nka-lock na ang mga Unit doors (security guards nagsasara every night, pero pwede naman buksan from the inside, hindi lng yng nasa labas na inabutan ng curfew.) Kanya-kanyang spot sa long tables, naka-social distancing for concentration.

Sa Unit 3, biglang may mga footsteps sa stairs, parang nagmamadali. Tinginan ang lahat from both wings (gitna kasi ang stairs) pero walang bumababa. Naulit sya at mas malakas, mas nagmamadali…pero wala naman nagbukas ng pinto at lumabas. Isang beses pa, at mas nakakaistorbo na kasi malakas, dumadagundong pero wala pa rin sila nakikita. Inisip nilang may mga pusang naghahabulan o nagaaway at nahulog pareho sa hagdan, pero wala nung iyak ng pusa e. Dahan-dahan at isa-isa silang nagligpit ng mga libro at tahimik na nagsipasok na  lng sa mga kwarto.

 Sa Unit 5, mostly upperclassmen ang residents. Third o fourth year na, puro major subjects na ang inaaral kaya dibdiban na ang study sessions, puyatan galore. Minsan daw yng mga nasa ground floor nakakita ng kabaong sa ibabaw ng hallway table sa kabilang wing, tapos bigla daw lumutang papunta sa kanilang mga nagaaral. Yun naman mga tiga 2nd floor ng Unit 5, may nakitang babaeng naka-itim, magulo ang buhok at nakakatakot ang mukha na nakalutang sa may bintana sa dulo ng hallway. Tabi ito nung malaking puno sa pagitan ng Men’s at Women’s dorm, at madadaanan papuntang VetMed o SEARCA dorm. May mga kwento din kasi yng mga dormers dun na kapag naglalakad sila pauwi, may babaeng naka-itim na nakatayo dun sa may malaking puno, nakatitig sa kanila.

Maraming may gusto makakuha ng rooms sa Unit 3 at 5 na may windows na matatanaw mula sa kalsada, kasi madali ka matatawag ng manliligaw mo o ng BF mo. Lalo na since magkakatabi nga ang dorms kahit hindi Co-Ed. Minsan, yung mga “manang” na students nagkwe-kwentuhan na may nakita daw silang girl dumadaan sa gilid ng bintana ng Unit 3, papunta ng YMCA e gabing-gabi na. Grabe daw kasi naka-pantulog na nga raw, yng parang nightgown kasi mahaba na puti. Ang landi daw kasi sya pa pupunta sa BF nya sa YMCA, gabi na at ganun pa ang suot…tapos bigla sila natigilan sa pangookray kasi na-realize nila na nasa 2nd flr nga pala sila, at nakalutang yng babae nung dumaan sa may bintana nila.   

 

Dorm Story #4

Marami pang ibang dorms sa UP Los Banos. Lahat yun punuan kasi Marami sa mga estudyante ay dayo mula sa iba't ibang lugar ng Pilipinas at meron pang mga dayuhan galing ibang bansa.

Nabanggit ko na sa pagitan ng Men's and Women's dorms ay may daan papunta sa VetMed at SEARCA dorms sa likod ng 2 dorms na ito. Half-finished ito, kalahati asphalt at yng sa may dulo ay dirt road na uli. May malaking puno sa tabi ng Men's dorm na tanaw din sa Women's at nadadaanan ng lhat ng papuntang VetMed at SEARCA. Marami ang nagsasabi na may nakikita silang Black Lady dun s may malaking puno. Usually nakatayo lng, nakatitig sa kanila..yng mga inabot ng medyo maggagabi na, nanlilisik daw ang pulang mata nito. Suspetsa ng iba, ito rin yng lumulutang na babae na nagkikita sa bintana ng Men's. Sabi naman ng mga tiga-Women's, ito yng nang po-possess sa ilang Bagong resident nila. Kawawa ang mga TigaSEARCA kasi wla sila ibang daanan, yng mga tigaVetMed, pwede mag shortcut dun sa makeshift dirt stairs s may YMCA.

Samantala, kng akala mo safe ka na kng nakauwi ka ng maayos sa VetMed, hindi nagtatapos dun. Oo, mas bagong gawa ang VetMed at SEARCA dorms, pero meron din mga nararamdaman dun. Yng sorority sister ko, na-stranded one weekend kasi may coup d'etat sa Manila nuon. Magisa lng sya sa room kasi nakauwi yng 2 at yng 1 roommate nya e nagstay sa boyfriend. Araw nuon, maliwanag pa, pero naisip nyang mag habol ng mga puyat at nagmidday nap sya. Summer weather pa nuon pero dahil nasa likod ang dorm, medyo elevated at napapalibutan pa ng puno, kumportable kht electric fan lng ang gamit. Bgla daw naalimpungatan sya at unti2x lumalakas ang hanging sa Kwarto. Sarado ang nagiisang bintana nila (kasi takot sila mapasukan ng forest creatures) at di naman nakatodo yng electric fan. Pero mistulang nagka-ipo2x daw sa loob ng Kwarto nila.

Nakatihaya sya, pero yakap ang malaking unan sa harapan nya, at nakatakip sa mukha nya. Napalingon daw sya sa sahig at may nakita syang paa! Nka-black shoes ng panlalaki at blue na pantalon ang nasilip nya. Naisip nyang una, may nakapasok sa Kwarto nya at bka ma-rape sya! Pero naalala nya na naka-lock yng door at halos wlang Tao na sa buong dorm Sabi ng guard sa baba. Pinikit nya uli ang Mata, niyakap ng mahigpit yng unan at nagpanggap na tulog. Pero bgla daw inaagaw yng unan nya! Natakot na sya at nag-pray ng Our Father, Hail Mary.. Pero parang ang tagal daw bago nawala yng ipo2x at humupa yng hangin, hanggang naramdaman nyang wla na umaagaw ng unan nya. Nagdasal pa rin sya at pagkalipas ng ilang minuto, sumilip sya mula sa ilalim ng unan nya. Nung parang normal na, wlang nangyari..tumakbo na sya pababa sa guard. Nung nagkwentuhan sila ni Manong Guard ang sabi sa kanya, meron daw electrician na namatay dun nung ginagawa pa lng yng dorm. Nakuryente daw ng aksidente sa high tension wire.

Mas malayo pa sa Vet Med dorm ay may tinatawag din nuon na Coop Housing for upperclassmen. Puro lalaki lng duon at whole cottages ang dorms nila. Each cottage named after the different Philippine mountains, has a communal CR but several rooms, and group sharing din ang rooms. Dahil malayo na nga ito, medyo liblib na at napapalibutan ng mga puno.

Kwento ng isang blockmate ko, yun daw isang housemate nila na graduating senior, para daw nabubuang na. May kina kausap daw sa may tabi ng malaking puno sa likod ng cottage nila. Nung una nya nakilala ito, normal naman daw. Seryoso kasi nga medyo matanda na sa kanila at busy sa pagtapos ng kanyang thesis. Marami rin friends on campus kasi myembro ng isang Dance Club at academic org ng major nya. Naisip nila na bka nape- pressure lng sa thesis, pero nagsabi sya na may babae daw na kumakausap sa kanya nung minsan nagsampay sya ng labada nya sa likod. Makulit daw at pilit na pinapasama sya sa bahay nila. Syempre boys, niloko pa nila kng maganda at sexy daw ba. Sagot nya maganda, mestisa at Mahaba ang buhok. Alangan nga daw sya kasi maitim sya, kulot at di pa katangkaran. Bkt daw sya pa ang napili. Kinalaunan, nagiiba na yng ugali ng housemate nila. Hindi daw kasi sya makatulog. Kng gising sya, lagi daw nag papakita at iniistorbo sya sa gawa in. Syempre medyo weird n nga kng sino at saan ba galing yng babae. Puro lalaki sila dun at malayo nga yng dorm. Paano sya nakakapunta dun at palagi pa. Pagkalipas pa ng ilang linggo, na kausap nila uli yng housemate nila kasi sila n lng pumapansin at sbi nung iba weirdo n nga raw. Sabi sa kanila, Pati daw sa classroom, dun sa laboratory ng college nila, nakakasunod na yng babae. Hindi na sya pinapatulog at hindi n rin sya makakain sa stress. Inadvise nilang umuwi muna sa kanilang probinsya Lalo na at Xmas break naman. Habang nandun Pina-Tawas daw sya at pabalik, medyo OK n uli. Kaso after a whyl, ganun na naman. Umalis ng tuluyan after sinundo ng pamilya nya. Hindi n daw nakatapos ng thesis o nkagradweyt.

 

 

Silliman Dorm (Dumaguete)


Dahil nabanggit ng sister ko ang Silliman University at ang kanilang mga dorm stories, naalala ko yung kwento ng isang friend ko.

 

Aspiring writer itong friend ko. Classmate kami sa Creative Writing course sa UP Diliman at mahilig mag-join ng mga prestigious writing workshops ng UP, UST, Ateneo at La Salle. That year, he was lucky enough na makuha sa Silliman Writer's Workshop to be held in Dumaguete City.



For that weeklong activity, they were to be billeted on-campus kasi wala pa naman summer classes nuon. He was assigned to one of those old dormitories na partly wooden structure pa. Following the typical turn-of-the-century American designs, most of the buildings were those white, cardboard box-like buildings.

 

Dahil yung daily workshops consisted of writing, re-writing drafts, group critique sessions, nakakapagod din. After the dinner socials, plastado na siya at malalim ang tulog until the next day. Mag-isa lang sya sa room at wlang roommate . First 2 nights, wala naman sya na-experience although may general creepy feeling yung place. Kapag nakapatay na yung ilaw, parang may nakatingin sa iyo sa dilim. That 3rd night, it was an especially exhausting day. So he was ready to just crash and go into a deep sleep. Na-alimpungatan sya sa middle of the night. Ramdam daw nya na parang may kasama sya sa room. Pero di na lng nya pinansin. Bgla n lng daw bumilis yng ikot ng electric fan kht naka-on sa low. Dahil malapit sa dagat, usually humid ang weather sa Dumaguete. Yung mainit na malagkit na feeling. Pero para daw bglang naging mala-Baguio yng lamig, o yung temperature kapag panahon ng bagyo at maulan. Dahil uncomfortable, he started fidgeting sa bed, tossing and turning. As he turned from his side, tumihaya siya. Pero nagulat sya dahil right in front of him, nakalutang sa ibabaw nya, ay isang matandang babae, nakasabog ang mahabang buhok, at nakatitig sa kanya ang nanlilisik na mga mata! Nung una ay hindi sya makasigaw o makagalaw. Pinipilit nya pero it felt like forever daw bago nya narinig ang boses nyang humihiyaw. Finally, naigalaw nya ang katawan nya para buksan ang bedside lamp. Binuksan daw nya ang lahat ng ilaw at hindi na nakatulog magdamag. Kinaumagahan, kinausap nya yng guard at tinanong kung may nagpapakita ba dun sa dorm. Sagot ni Manong guard habang napapangiti, "Sir, lahat naman yata ng lumang campus at dorms may nagmumulto..." At nakitulog na lng sya sa ibang rooms ng last 2 nights nya sa Dumaguete.

 

 

Office Training Facilities

 

Ang office namin besides may mga sariling dorms, ay meron din training facilities na pwede gawing venue ng mga meetings, seminars o workshops. Kung konti lng naman ang participants at internal activity, o walang budget ang opisina, dun kami pilit pinagdaraos ng activity ng mga boss.

 

Meron kaming old training facility sa may papunta ng FTI, malapit sa Fort Bonifacio. Pinatayo ito nung 70s ni Imelda as an ASEAN venue for social welfare meetings. Nasa isang malaking compound sya ng mga artistically designed buildings na gawa ng national artists. Nung 90s pinarentahan na sa private corporations like San Miguel at Monterey Farms yng ibang buildings, but we kept that old building as govt property.

 

So luma na talga sya, kahit na pina-renovate na sya, hindi maalis yng creepy feels kasi sadyang madilim ang rooms pati some parts ng lobby at corridors. Maraming wood panels, may intricate designs yng windows, kahit divider lang e carved like sculptures. Yng shape ng building, yng winding stairs na parang sa hotel, lahat parang artwork ang dating. So maganda sya Kung sa maganda kht na Luma. Pero halos pare-pareho ang reklamo ng mga tao sa ambience ng lugar.

 

Yung mga tumira dun during trainings halo2x ang experiences. May nagrereklamo na hindi sila makatulog sa gabi kasi may nagbubukas daw ng shower. Triple sharing ang rooms, so yng pinakatapat ng banyo ang bumabangon para isara yng shower. Pero kakasara lng, bubukas daw uli at maririnig mo pa yng pihit ng makalumang shower valve. Naka ilang beses daw na ganun, halinhinan pa sila ng bangon para isara uli, patunay na sigurado silang hindi Nila naiwan bukas yng shower. Hanggang sa na takot na sila at di na lng pinansin.

 

Yng isang grupo naman mga galing sa field offices namin. Mixed ang room assignments so kht hindi from same region magiging roommates. After 3 to 4 days ng seminar, kanya2x uwi na sa provinces. Minsan hindi sabay2x ang flights so may maiiwan pa sa venue. Itong isang tiga Norte, last day yng bus ticket nya Kaya mahuhuli talga sya ng check-out. Pagpasok nya sa room Nila nakita nyang nakaupo yng isang roommate Nila, nakatalikod sa kanya, nkaharap sa window. "Ay nandyan ka pa Pala.. Akala ko nagpahatid na kyo sa airport.", aniya habang diretso sa banyo para mag-jingle. Medyo nagtagal sya dun, wash-up konti, retouch, etc. Paglabas nya wla na yng colleague namin. So akala niya kakaalis lng. Sa labas, chinika nya yng mga guard at receptionist." kakaalis lng Pala nina Ms..mabuti para di sila matraffic." "ay Ma'am, kanina pa sila pumunta ng airport.. Inagahan nga nila ng alis. Ikaw na lang naiwan sa room nyo." sa takot nya, dun sya natulog sa sofa sa lobby that night para ksama nya yng guard.

 

Pero itong nanggagaya ng mukha na ito ay nakakadisgrasya rin... Nung minsan may workshop dun, nagBreakOut grps at kanya2x n pwesto sa grounds ng bldg. Itong isang group ginamit yng parang communal lobby area ng upper floors. Isang participant magsiCR sana nang makita nyang tinatawag sya ng kasamahan nya sa isang corridor ng isang wing. Naisip nya na baka may malapit na CR dun at gusto magpasama. Mahaba ang hallway at nandun na sa may dulo yng kasamahan nya, kumakaway.. So diretso sya ng lakad papunta dun. Bgla n lng narinig ng mga kasama nya yng pagbasag ng salamin - apparently, she went through a glass panel. Hindi nya napansin na may ganun harang nung kumakaway yng babaeng kasamahan Nila. Buti konting galos sa bubog at bukol sa noo lng tinamo nya, kasi nung nagkakagulo na sila, paakyat galing baba yng sinasabi nyang kasamahan na kumakaway sa kanya.

 

Yng training facility naman namin sa Baguio, itinabi sa dating cottage ng mga officials. Modern 3-storey bldg, 1st flr yng rooms na dorm-type at may double decks besides queen-size beds, may sariling kitchen at Sala area din. Sa 2nd at 3rd floor yng actual space for meetings and seminars na parang studio-type.

 

Alam ng lahat na may nagpapakitang white Lady sa compound namin. Usually sa may labas, sa may garden. Pero mula ng maRenovate yng cottage at pinagawa yng new bldg, sa loob na daw sya usually nakikita. Kwento ng isang nightshift guard, nakikita nya minsan sa loob ng cottage, naglalakad sa may Sala malapit sa old fireplace, the only original feature retained. Dahil glass sliding door yng palabas ng garden at tanaw mo sa loob yng mismo ng Sala at kitchen area, kht konting ilaw lng galing sa poste, yng parang white na glowing figure ng babae sa loob e talgang kapansin-pansin daw. Minsan daw parang may aninong Dadaan kht na poste lng ang ilaw at wlang headlights ng sasakyan, o sa gilid ng Mata mo parang may maaaninag ka na dumaan na figure.

 

Kapag matagal rin daw wlang gumamit ng Dorm kasi wlang in-house trainings, at nabakante ng matagal yng rooms, dun din daw naglalagi yng white lady, nagiingay ng gamit kht nka-lock naman. Kaya ang ginagawa ng caretaker at guard, minsan2x binubuksan yng lugar, pinapaingayan sa TV, etc. Sabi ni Manong guard, Kaya daw dun sya sa may gate tumatambay kasi ayaw nya makita yng white lady sa cottage o sa garden. Napipilitan lng sya sumilong sa may new bldg kng sobrang hamog o maulan. Pero di raw nya masyado tinitingnan yng side na yun ng cottage sa takot.

 

 

Ilocos University Dorm

 

Kababalik lang namin ng family ko from Ilocos. At bigla ko naalala yng kwento ng friend ko nung na-billet sila sa isang University dorm sa Norte during a training. Dahil gobyerno, syempre tinipid na naman sila at imbes na hotel, sa isang school dormitory sila pinatulog. 2 babae at 1 lalaki sila pero dahil training team at bakla naman yng isa, nagDecide sila na mag-sama2x sa isang room. Pumayag yng organizer at dorm manager kasi wla naman ibang titira that week at wla na klase. Training lng talga sa mga school officials at govt workers na puro tiga-doon at maguuwian every day.

 

Dumating sila daytime, maliwanag pa pero pagpasok pa lang, medyo creepy feels na yng friend ko. Super luma na kasi nung dorm, halos kasing tagal na since na-Establish yng state college na yun. Matibay pa yng structure kasi gawa sa mga kahoy ng narra at kamagong, altho yng roof ay makailang beses na inayos. Malalaki yng windows, gawa pa sa capiz, kaya mahangin at may pumapasok naman na ilaw. Pero medyo mabigat daw talga ang pakiramdam, may spaces pa nga raw na parang nakaka-suffocate - yng hallway papunta sa CR area. Communal kasi yng banyo at yng single beds nila ay nakahilera lang sa isang malaking room.

 

1st night, hiwa-hiwalay pa sila ng bed, alternate at nilagyan ng mga bagahe nila yng empty beds in between them. Pinakamalapit sa door si Bading, samantala yng friend kong professor ang nasa dulo. Dahil mahaba ang byahe at pagod, nakatulog sila ng malalim. Nagising daw si Prof friend kasi parang may naglalakad sa room. Nakaharap sya dun sa door, so kita nya yng 2 kasama nya nakahiga sa beds nila at tulog na tulog. Naramdaman daw niyang biglang lumubog yng side ng bed nya sa paanan...yng parang may naupo. Parang nahila pa nga yng kumot at sumikip kasi parang may nakadagan. Nanlamig na raw sya at natakot. Pinikit na lang daw nya yng mata nya at nagdasal hanggang nakatulog uli. Di na nya nakwento sa mga kasama niya kasi 2 nights pa sila dun matutulog.

 

2nd night, yng kasama nyang babae e na-jingle sa gitna ng gabi. Di nila sure kng dahil ba sobrang tapang, sobrang antok o nahihiya pa manggising at magpasama, pero mag-isa syang nagpunta sa CR. Pabalik na raw sya at naglalakad sa kahabaan ng hallway nung may narinig syang parang impit na iyak, mahinang hagulgol ng babae. Nung matapat daw sya dun sa may papuntang pantry, may nakaupong porma ng tao sa stairs. Either mahaba yng hair o may parang belo sa ulo, nakayuko, at naka-halukipkip...kinilabutan na raw sya at nagtatakbo papuntang room.

 

Kina-umagahan, nagkwento yng babaeng staff at umamin na rin si Prof friend sa experience nya. Kaso, yng bading na kasama nila ay hindi naniwala. Ang sarap nga daw ng tulog nya at wla naman nararamdamang kakaiba. Naisip nilang magpalipat ng lodgings, pero nahiya na sila kasi 1 night n lng naman. NagDecide sila to stick it out 1 last night, pero magtatabi-tabi na sila ng beds, wla nang gap in-between. Dahil last day ng training session, medyo nakapasyal at nakapag-foodtripping na sila sa plaza. Pagod at busog nung natulog silang tatlo. Namalayan na lng daw ni Prof friend na ginigising sya nung babaeng staff nila, medyo frantic ang shaking sa kanya at tinuturo yng bading sa kabilang kama. Nakita ni Prof friend na nakalutang sa ere si Bakla! Nakalaylay pa nga yng kumot nya pero tulog sya! Pa-sigaw nilang tinawag yng name ni bading kaya nagising ito. Pero nung naRealize nyang naka-float sya sa ere, nagtitili rin ito at dun bglang bumagsak sa bed. Nagyakapan daw silang 3 at sa iisang bed na nagtabi-tabi. Binuksan nila lahat ng ilaw hanggang magliwanag pero di na sila masyado nakatulog. Dali2x na lng nagPack-up at nagCheck-out kinaumagahan para umuwi ng Manila.

 

 

 

 

 

 

Travel Horror - UPLB PARANORMAL-LORE

 

UPLB Campus

Tinaguriang one of the most haunted places in the Phils ang UP Los Banos. Pero supernatural occurrences dun ay hindi lamang dahil sa mga alaala ng WW2, kundi dahil na rin sa kababalaghan mula sa kalikasan. Sa totoo lng, mas malaki ang campus ng UPLB sa UP Diliman dahil kasama dito ang lupain hanggang IRRI at at UPOU sa may Bay, at pati na rin sa bundok Makiling lagpas ng College of Forestry, Boy Scouts Jamboree, Natl HS for the Arts, tagos sa PCARRD na ngayon ay shortcut na papuntang highway at Los Banos Bayan.

On campus, naglipana pa ang nalalakihang puno ng acacia, kapok, mangga at iba pang hardwood. Napalilibutan din kami ng mga creeks na tagusan ng tubig mula sa bundok, kaya marami ring mga tulay na gawa pa bago ng gyera. Sa dami ng malalaking puno, hindi mo alam kng alin ang may naninirahan, kaya natuto kaming gumalang sa nature.

Nung minsan ginabi kami ng mga kaklase ko from a group study session. Wala na jeeps nuon so kadilakad na kami. Buti mga 3-4 kami pabalik ng dorms sa campus. Nung nandun na kami sa may Palma Bridge may sumitsit. Akala ko sa may kapok tree sa side ng PhySci bldg, pero may sumitsit uli sa may kanan ng tulay at nakatinginan na kami. Tumigil na sa pagkukwento yng maingay naming bading. 'Narinig nyo yun?', tanong ko. pero hindi na nila ako sinagot at medyo binikisan ag paglalakad. nung mas malapit na kami dun sa malaking puno sa may auditorium, mas malakas yng sitsit kaya pare-pareho kaming dun napatingin. Madilim yng audi, wlang ilaw, at makapal ang mga dahon ng puno. Wala ka makita kundi kadiliman. Bgla kaming sabay2x karipas ng takbo across Baker's Field (version namin ng Sunken Garden) papuntang dorms. Swerte nung isa, sa Women's dorm sya at pinakamalapit, 2 kaming diretso sa Men's, at pinakamalas yng bading naming friend kasi sa Coop Housing pa sya.

Dyan din sa Baker's Field, malapit sa Baker Hall, may experience yng mga Vanguard (officers ng ROTC) during their early AM jogging. Tuwing rainy season, malamig at nagiging foggy yng campus. Minsan daw na makulimlim at medyo umaambon, ambon na umaga, nagja-jogging yng mga Vanguards na hindi bababa sa 10 lalaking macho. Doing the usual greetings-chanting sila, 'good morning ladies of Women's Dorm,' good morning, ladies of Men's Dorm...' tapos nung malapit sa Baker Hall mismo, may bgla silang nakitang kasabay nila na grupo...isang pulutong ng nagma-marchang mga sundalong Hapon! Kitang-kita nila lahat, halata sa lumang uniporme circa 1940s, yng sumbrerong Japanese cap na may takip sa tenga, yng baril na may bayoneta sa dulo! Karipas daw silang lhat ng takbo pauwi ng barracks nila sa may Grandstand.

Dahil nga ginawang concentration camp ang buong UPLB campus nung Japanese Occupation, hindi maiwasang may mga kakaiba dito. Sa mismong Baker Hall na dati naming gym/PE bldg, marami daw kinulong at tortured. Kaya sa basement kng saan storage ng mga sports equipment, super creepy daw talga. Dun nga sa 2nd flr, may malalaking open windows, minsan daw ay may nakikitang white lady na nakadungaw kht gabi na at wlang ilaw dun. Yng kapatid ko, gumimik ng inuman ksama ang friends sa Field isang gabi. Bgla silang inabot ng ulan, e ang pinakamalapit silungan yng Baker Hall. Nkatayo daw sila sa harap dun sa may sementong canopy, tuloy ang kwentuhan at tawanan. Bgla daw may umamoy na super baho..amoy organic na nabubulok. Ang sabi nga nung isa sa kanila, parang naaagnas na bangkay. Nangilabot na daw sila at nagsitakbuhan papuntang Student Union na malapit sa Auditorium.

 

UPLB Campus #2: Bridges

Besides malalaking puno at flowing creeks para maging super babad ka sa nature sa campus, may mga old bridges din kami na kng saan ay pwede ka magmuni2x o mag-emote...huwag ka lng papaabot ng mga alanganin oras Lalo na kng nagiisa.

Yng nakwento ko na Palma Bridge malapit sa auditorium ay maigsi pa at madalas na dadaanan ng mga sasakyan o taong naglalakad. Pero may ilang tulay sa campus na bihira madaanan tulad ng tulay sa likod ng Main Library namin sa tabi ng Hortorium. Shortcut kasi ito pauwi ng dorms o paakyat ng Forestry. So may mga kwento ng upperclassmen na ginabi ng uwi dahil sa pagrereview sa MainLibe. Mas Mahaba itong tulay kaysa sa Palma Bridge pero nalalakad naman. ang kaso, ito ay notorious na humahaba daw at parang walang katapusan habang binabaybay mo. Kht mga nkabisikleta ay nagreklamo na para daw ang tagal nila makatawid dito. Eventually makakatawid ka din pero ramdam mo na ang takot kasi weird at spooky na talga.

Sa may Animal Science, papuntang Dairy Training and Research Institute (DTRI), may isang tulay na gawa pa before WW2. Dun kasi ang Isa sa mga original College of Agriculture bldgs. Dati siyang Animal Husbandry area, na ngayon ay ka-share na ang Veterinary Medicine. Kasing haba lng sya halos ng Palma Bridge pero meron din malaking puno sa tabi (di ko na sure kng mangga ba o acacia ito). Dahil shortcut ito papunta dun sa mga off-campus villages at subdivisions ng mga professors, dun kami dumadaan ng parents ko kapag hinahatid nila ako sa house ng uncle ko where I stayed ng freshman yr ko. Minsan hinati nila ako, ksama mga sisters ko. Masaya kaming nakakwentuhan at nagtatawanan sa loob ng kotse habang tinatawid namin yng Bridge. Bgla n lng may bumagsak sa bubong ng car na parang kasing laki ng buko. Malakas ang kalabog at nagulat ang Mama k who was driving at the time, buti n lng hindi nya nakabig yng manibela at dumeretso kami sa tubig. Pagkalagpas ng ilang metro, sa may paliko, pinatigil ng Daddy ko para I check. Bumaba sya at tiningnan yng roof ng kotse kng gaano kalaki ng damage. Pero nagtaka sya ng wla syang makita ng yupi o pipi. Check din nya yng Daan kng may nahulog na malaking tree branch o prutas man lng..pero wla rin.

Nung nkaratng na kami sa bahay ng uncle ko, nakwento namin. Hindi sila nagulat kasi may kwento rin dun yng pinsan Kong lalaki. Syempre teenager, lagi lumalabas para gumimik. Hindi pa sya nagdadrive nuon, at minsan wlang masabayan umuwi o hindi masundo, napipilitan syang mag lakad pauwi. Dahil mas malayo yng daan sa may IRRI kht na pwede sumakay ng trolley, mas ginusto nya yng shortcut sa may Animal Science. Hapon daw yun, magtatakip-silim na. Dun sya dumaan kasi may Liwanag pa naman at mas mapapaaga sya ng uwi para good shot sya s parents nya. Paglagpas ng Bridge, tamang-tama sa may ilalim ng malaking puno, bgla daw syang inulan ng buhangin. Para daw syang binuhusan ng isang tabong buhangin o abo. Bagamat gulat, nagtatatakbo na raw sya pauwi. Buti n lng kapag dumadaan ako dun, tanghali o hapon at maaga pa. Although minsan paguwi ko nagtataka ako na may naririnig akong sumusunod sa akin paglagpas ko ng bridge at nung puno. Pagtingin ko sa likod ko, wla naman at tanaw mo the whole road kasi malawak at talahiban o vacant lots n yng gilid. Ang mas weird, paano mo maririnig ang echo ng footsteps kahit open-air ang paligid.

Meron ding isang maliit na hanging bridge dun sa may Agricultural Engineering papunta sa St. Therese Church, malapit sa UP Rural High School. Ginagamit ito usually ng mga AgEng at Horticulture majors pabalik ng mga dorms nila sa Gonzales, Catalan, o Ylag's. May nakikita daw dun na Black Lady at mahilig daw mangharang. Malas mo kng nasa kalagitnaan ka na tapos nandun din sya sa Bridge, kasi wla ka na choice kundi harapin sya para makatawid.

 

 

Los Banos Stories: Moving Statues

Here's another installment ng aking naipong mga kwentong katatakutan mula sa aking ilan taong nilagi sa Los Banos.

Tulad ng UP Diliman, marami rin kaming mga estatwa at mga sculptures na nakakalat around campus. Hindi ko alam kng guni2x lng talga ng mga tao, perp bkt ba ang daming kwento ng mga rebulto at estatwa na kesyo gumagalaw at naglalakad. Talaga kaya napo-possess ng masamang espiritu ang mga ito

Sa UPLB, altho may sariling Oblation kami, ang simbolo talga ng pinagmulang College of Agriculture ay kalabaw. Kaya nga pagpasok p lng ng main gate ng campus ay nandun ang orihinal na ulo ng 2 kalabaw na Pre-War pa daw nakaposte sa bukanan. Later yrs, napalitan ito ng estatwa ng magsasaka at ng kanyag kalabaw. Tawag dito ay 'Tao' at nakatayo ito dun sa may pagitan ng Admin/Cashiers Ofc sa lumang registrar's bldg at DevCom o College of Agriculture Dean's Ofc. Ang siste, may nakakakita daw dito sa magsasaka at kanyang kalabaw dun sa may Baker's Field, sa kalagitnaan ng campus. Dis oras daw ng gabi kng makakasalubong ng mga ginagabi ng uwi, at nagtataka sila dahil wlang malapit na bukid sa loob ng campus. May kwento pa nga na nanghabol yng kalabaw ng mga dormer na umuwing late galing gimikan.

Yun naman babae sa taas ng pavilion sa may Palma bridge, gumagalaw rin daw. Pormang dalagang Pilipina, nakasuot ng makalumang damit ito na may bitbit na banga. Ang weird lng, minsan daw yng hawak nyang banga nakababa, minsan hawak nya sa taas, sa may balikat nya. May mga generation ng LB students swear nung panahon nila nasa baba, meron din nasa taas daw. Nung panahon 80s, ang tanda ko nasa balikat nya, pero tingnan nyo yng foto ko na kinunan ko nung 2018.

Meron din kaming tinatawag na 'The Graduate,' estatwa ng lalaking naka-toga for graduation. Nakalagay ito dun s Social Garden sa may Horticulture, malapit din sa haunted hanging bridge. Bumababa daw ito sa gabi at naglalakad dun sa kahabaan ng street na yun hanggang sa may bridge ng AgriEngineering. Takot dumaan dun ang mga jeepney sa gabi. Sabi kasi ng mga driver, pumapara daw o nakikisakay si Graduate. Kng hindi mo man pansinin, sasabayan ka pa rin daw. Imagine yng takbong mabilis ng sasakyan, pero sa gilid nya, sinasabayan sya ng The Graduate...ano yun, lumilipad?!

 

Los Banos Stories Take 2: Anos Apparitions

May nabasa ako dito na kwento na nung papunta silang Baler may na daanan sila na mga tao in the wee hours of the morning. Naalala ko bgla yng kwento ng Mama ko at kapatid ko.

So nung 80s, college na kami ng younger sister ko sa UPLB. Sumali kami sa mga different campus organizations, at Isa dito yng sorority namin. Tradition na ang oath-taking as new members ay tinatawag na 'pinning' at magkakaroon kyo ng sorority ball. Bonggang party ito, todo bihis ang mga tao ng evening wear, nka ball gowns or cocktail dresses, at kailangan may escort, preferably a guy with his own car.

Ang escort/date ko nuon ay yng brod ko sa aking academic organization. Yng sister ko, brod namin sa fraternity. Ang kaso wlang sasakyan yng unggok at na-late pa! Buti na lng nandyan yng Mama namin, so sya tuloy nagdrive at naghatid sa sister ko.

Natapos yng party super late na, past midnight for sure. Kht tapos na ang kasiyahan at sayawan, medyo nagtagal pa sa parking lot para sa mga pahabol na kwentuhan at tawanan. Mga 2 o 3 AM na nung pauwi na lhat galing dun sa resort sa may Bayan-Pansol area. Kanya2x sasakyan, halos magkakasunod kami pabalik ng campus. Yng iba naman, dun sa direction ng pa-Calamba pauwi. Nauna yng sasakyan namin ng brod ko. Ang alam ko nakasunod sila Mama at Sister ko sa amin, ilang metro lng sa likuran namin.

Pagdatng sa dorm namin, nagkwento si Mama na bkt daw Kaya ang daming taong naglalakad sa may Anos nung pagdaan nila. Mga naka-puti daw, samu't-sari.. May babae, may lalaki, may matatanda, may mga Bata. 'Ha! Saan dun? Wala naman kami nakita pagdaan namin ah...', sabi ko. 'Nakasalubong natin, pa-direksyon papuntang Bayan sila... Imposibleng di nyo nakita kasi ang dami nila,' patuloy nya. 'Para silang isang pulutong, naglalakad magkakasunod, para ngang parada ng makikilibing..' Hmmn, medyo weird nga talga. 'Saang part, yng sa Crossing ba?', tanong ko uli. 'Pagkalagpas lng nung portion ng bilihan ng mga buko pie...' sagot nya.

Sa may Batong Malake kasi ay may roadside na sementeryo; medyo matagal na rin naitayo pero hindi naman yata panahon pa ng WW2. Pero hindi ko rin alam kng may kinalaman yng mga nakita nya dun sa nangyaring Los Banos massacre sa bayan. Nung kasing Liberation at na-rescue na yng mga nakakulong internment camp sa Baker's Field sa campus, hindi lahat lumikas at tumawid ng Laguna De Bay. May mga nagpaiwan, at nagsibalikan sa mga bahay nila kahit na sinabi ng mga Amerikano at Pinoy guerilla na maaari silang balikan at paghigantihan ng mga Hapon. True enough, pag-move on ng Allied Forces sa ibang lugar ng Southern Tagalog, may dumating na Japanese reinforcements at binalingan ang mga naiwang Pinoy na civilians. Next to the horror stories ng massacre na ginawa sa Malate sa Manila nung WW2, ito daw Los Banos massacre ang Isa pang pinaka-gruesome at inubos daw talga ang mga Tao sa bayan.

So Kung may mga 'haunted' resorts daw dun sa bandang Bayan, hindi ko rin masabi Kung sino o ano ang nagpaparamdam dun.

 

UPLB Stories: Forestry

During our time in the 80s, alam ko na from my friends that Forestry campus and their dormitories have their own set of horror stories. Tulad ng mga naunang kwento, meron mga kababalaghan mula sa nature, meron multo na galing alaala ng WW2, pati na rin mga fellow students who died. Pati nga daw sa Flat Rocks at Mud Springs ay may nagpapakita rin.

Tulad ng Diliman, we have our own jeepneys going around the campus, and we had our unique hand signals to indicate where we need to go. Pointing up straight to heaven means akyat sa Forestry. Unfortunately, kapag gabi na konti na lang pumapasok na jeeps sa campus. And worse, yung mga lugar na di masyado dinadayo like Forestry e wla na masakyan. So malas mo kung ginabi ka for some reason, need mo maglakad paakyat. Usually, ok lang naman maglakad basta grupo kayo at madami ka kasama. But don’t make the mistake of walking alone at night kasi super dilim dun sa dadaanan mo. 

May isang guy na-late ng uwi at syempre wla na jeep kaya napilitang maglakad. Ang unang mga gusali pagsampa mo sa forestry ay yng UPLB Alumni Center sa kaliwa at yng UPLB Infirmary (campus Health Service) sa kanan. Sa tapat ng “Infir-matay” (as we jokingly called it), bigla daw syang may narinig na yabag na naglalakad din. Parang sinasabayan sya habang binabaybay nya ang stretch ng Infirmary. Sasabihin nyo baka naman echo, pero ang hirap magka-echo sa open space tulad nun at hindi naman bundok kundi puro halaman at puno ang nakapaligid. Pagkatapos ng ilang hakbang after ng Infirmary, nawala din yng footsteps at iisang set na lng uli naririnig nya.

Minsan naman, may mag-jowa na nag-aaway daw sa tapat ng Makiling Residence Hall (MAREHA). Grabeng drama daw at mukhang magbe-break na sila. Biglang na lang daw sila parehong sumigaw, hindi dahil sa galit, kundi sa takot. Yung sound daw ng pure terror narinig pa ng ibang dormers sa MAREHA. Sabi ng mag-syota may nakita daw sila ng isang pulutong ng mga sundalong Hapon circa WW2 ang suot.

ito naman friend ko sa Maharlika Dorm nakatira. Mahilig gumimik at mag-inom nuon pero malapit lang kaya nakakauwi pa ng dorm. Nuong una daw, hindi masyado nakakatakot experiences nya..yung weird knocks lang sa door – yung 2 o 3 na far between knocks, walang boses na mag-call out or sasagot kung sagutin mo ng “pasok”. Minsan medyo tipsy sya umuwi, nakahiga na sa bunk nya sa double bed. Parang may tumunog sa may bintana. Akala nya yng mga friends nya na tinatawag sya uli lumabas. Malalaki ang tabas ng windows namin to let extra light in during the day. Bumangon sya at humarap sa bintana and lo and behold – isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok pero nakayuko kaya di nya makita ang mukha, nakalutang sa may malaking Acacia tree!

Pero sabi nya ang hindi nya talga kinaya yung pinaka-creepy experiences nya sa bed nya sa room. Minsan daw napapaidlip na sya, sleeping on her side. Bigla daw nya naramdaman na parang may humiga sa tabi nya, sa likod nya…E wall yun kasi she was facing the floor side. Worse, feeling nya hinaplos yng likod o balikat nya at parang hinalikan yng batok nya! Napabalikwas daw sya pero couldn’t help but look in that direction pa rin. Ang nakita nya ay isang dark shadow o mist that moved into the wall and disappeared.

 

UPLB Hanging Bridge

Nakwento ko na itong mysterious hanging bridge sa UPLB campus yng shortcut mula Engineering at papunta St. Therese Chapel. Sometime before the holidays, I met up with another fellow UPLos Banos student (he eventually transferred to Diliman) and napakwento sya ng sarili nyang experience.

So everyone knew medyo haunted nga yng hanging bridge at takot ang mga tao dumaan dun lalo na kng nagiisa at padilim na. Yng time na yun, ksama naman daw nya yng ex-GF nya galing class sa Engineering. Ayaw daw sana ng GF nya, kaso madalang na rin yng jeep na dumaan sa may Ipil Drive. Kng meron man, punuan na kasi uwian na rin nga mga empleyado ng campus. So wala na sila choice kundi dun dumaan sa hanging bridge.

 

Nung papalapit pa lang sila, tila may tinitingnan yng GF nya. Malayo pa yng bridge pero tanaw na nila. Tapos, dahan2x bumagal yng lakad ng GF nya na parang nagiging hesitant. Eto naman friend ko, tuloy2x lang at pagsampa nya sa bridge, pinigilan sya ng GF nya. Ang higpit ng hatak sa t-shirt nya at sabi wag na lng sila dun dumaan. Medyo naiinis sya kasi ang lapit na nila para bumalik at umiikot pa (St. Therese ladies dorm kasi yng GF nya). So hakbang uli sya, nabitawan na sya ng GF nya pero umaayaw pa rin. Halos umabot na sya sa may gitna at yng GF naman nya naghalong iyak at sigaw sa pagpigil sa kanya. E kaysa mag-eskandalo pa dun, binalikan na lng nya at umiikot na nga lng sila sa long way.

 

Later, nung nandun na sila sa Chapel, tinanong nya ano ba problema earlier. Sabi nung GF nya, malayo pa lng sila, parang may dark figure sya nakita. Akala nya shadow lng ng mga puno. Habang papalapit sila, na-realize nya na parang black lady. Nung nasa bridge na sila, nakatayo daw sa gitna ng bridge na parang humaharang. Matandang babae, nakasuot ng black at mahabang damit, mukhang witch, nakakatakot ang mukha. Eto rin yata yng nakakasalubong daw ng mga nagka-experience dun sa Bridge. Pero ang weird dun, habang humahakbang daw sya sa bridge, napapa-atras yng black lady. Habang lumalapit si BF, panay din atras ng bruha/black lady. Kaso iniisip daw ni GF, takot Kay BF e paano sya? Bka sa kanya, hindi naman takot at sya ang kapitan ng bad juju.

So hayun, mula nuon, may nakapagsabi din sa kanya na mga psychic at paranormal experts na parang may inherent psychic power itong si BF na makapag-repel... Para daw syang may protective shield of light kasi na ayaw ng mga negative forces.

 

 

Eileen

 

Some of you here are from UP Los Banos, and may have been familiar with the double murder of Eileen and Alan. They were my fraternity brod and sorority sis. Karumal-dumal ang kaso nila, sayang ang mga batang buhay na kinitil lng basta2x. Masakit pa dun, yng paraan kng paano sila pinatay, parang binastos ang mga katawan nila, pinahirapan...

 

Dahil sa sinapit ni Eileen, kinailangan na "closed casket" sya. Hindi na kasi makilala ang magandang mukha nya kung saan sya binaril. Hindi na kinaya i-reconstruct or ayusin. Nakakaawa ang Mommy nya na iyak ng iyak.

 

Nung nga huling gabi ng lamay, nagsimulang magkwento yng Mommy nya. Kunswelo daw nya, nagpaparamdam si Eileen sa kanya. Minsan magisa sya sa kwarto, nakahiga sa kama, hindi makatulog. bglang lumubog yng parte ng bed sa may paanan nya. Ganun daw kasi si Eileen, kaht gabi na, pinupuntahan sya sa room kng kakauwi galing sa UPLB or sa gimik..."Mommy, nandito ako...." nagsasabi na nakauwi na sya.

 

Minsan naman daw, nakatulog sya sa kakaiyak. Para daw syang nanaginip...pumasok si Eileen sa room, lumapit sa bed at hinimas yng buhok sa ulo ng Mommy nya. Ramdam daw talga nya yng paghimas sa ulo nya pero syempre paggising nya, wla naman...

 

Recently, naglabas ng coffeetable book yng sorority namin. May special tribute in memory of Eileen. Yng pinsan ko ang sumulat ng article abt her memories. Dahil una sya nakagraduate at nagtuturo na nung si Eileen ay nagte-thesis, madalas daw dumalaw si Eileen sa ofc nya. Kasi sadyang sweet, minsan nagdadala ito ng fresh flowers for her, para daw decor sa ofc nya. Nung week ng kakamatay ni Eileen, bigla daw nangamoy bulaklak yng hallway nung pauwi na sya. Amoy ng fave flowers na laging dinadala ni Eileen.

 

Hanggang sa huli, yng kabaitan at pagkasweet nya ang pinaramdam nya para makapagpaalam.