Monday, August 1, 2022

UPLB Ghost Stories


 

UPLB Campus

Tinaguriang one of the most haunted places in the Phils ang UP Los Banos. Pero supernatural occurrences dun ay hindi lamang dahil sa mga alaala ng WW2, kundi dahil na rin sa kababalaghan mula sa kalikasan. Sa totoo lng, mas malaki ang campus ng UPLB sa UP Diliman dahil kasama dito ang lupain hanggang IRRI at at UPOU sa may Bay, at pati na rin sa bundok Makiling lagpas ng College of Forestry, Boy Scouts Jamboree, Natl HS for the Arts, tagos sa PCARRD na ngayon ay shortcut na papuntang highway at Los Banos Bayan.

On campus, naglipana pa ang nalalakihang puno ng acacia, kapok, mangga at iba pang hardwood. Napalilibutan din kami ng mga creeks na tagusan ng tubig mula sa bundok, kaya marami ring mga tulay na gawa pa bago ng gyera. Sa dami ng malalaking puno, hindi mo alam kng alin ang may naninirahan, kaya natuto kaming gumalang sa nature.

Nung minsan ginabi kami ng mga kaklase ko from a group study session. Wala na jeeps nuon so kadilakad na kami. Buti mga 3-4 kami pabalik ng dorms sa campus. Nung nandun na kami sa may Palma Bridge may sumitsit. Akala ko sa may kapok tree sa side ng PhySci bldg, pero may sumitsit uli sa may kanan ng tulay at nakatinginan na kami. Tumigil na sa pagkukwento yng maingay naming bading. 'Narinig nyo yun?', tanong ko. pero hindi na nila ako sinagot at medyo binikisan ag paglalakad. nung mas malapit na kami dun sa malaking puno sa may auditorium, mas malakas yng sitsit kaya pare-pareho kaming dun napatingin. Madilim yng audi, wlang ilaw, at makapal ang mga dahon ng puno. Wala ka makita kundi kadiliman. Bgla kaming sabay2x karipas ng takbo across Baker's Field (version namin ng Sunken Garden) papuntang dorms. Swerte nung isa, sa Women's dorm sya at pinakamalapit, 2 kaming diretso sa Men's, at pinakamalas yng bading naming friend kasi sa Coop Housing pa sya.

Dyan din sa Baker's Field, malapit sa Baker Hall, may experience yng mga Vanguard (officers ng ROTC) during their early AM jogging. Tuwing rainy season, malamig at nagiging foggy yng campus. Minsan daw na makulimlim at medyo umaambon, ambon na umaga, nagja-jogging yng mga Vanguards na hindi bababa sa 10 lalaking macho. Doing the usual greetings-chanting sila, 'good morning ladies of Women's Dorm,' good morning, ladies of Men's Dorm...' tapos nung malapit sa Baker Hall mismo, may bgla silang nakitang kasabay nila na grupo...isang pulutong ng nagma-marchang mga sundalong Hapon! Kitang-kita nila lahat, halata sa lumang uniporme circa 1940s, yng sumbrerong Japanese cap na may takip sa tenga, yng baril na may bayoneta sa dulo! Karipas daw silang lhat ng takbo pauwi ng barracks nila sa may Grandstand.

Dahil nga ginawang concentration camp ang buong UPLB campus nung Japanese Occupation, hindi maiwasang may mga kakaiba dito. Sa mismong Baker Hall na dati naming gym/PE bldg, marami daw kinulong at tortured. Kaya sa basement kng saan storage ng mga sports equipment, super creepy daw talga. Dun nga sa 2nd flr, may malalaking open windows, minsan daw ay may nakikitang white lady na nakadungaw kht gabi na at wlang ilaw dun. Yng kapatid ko, gumimik ng inuman ksama ang friends sa Field isang gabi. Bgla silang inabot ng ulan, e ang pinakamalapit silungan yng Baker Hall. Nkatayo daw sila sa harap dun sa may sementong canopy, tuloy ang kwentuhan at tawanan. Bgla daw may umamoy na super baho..amoy organic na nabubulok. Ang sabi nga nung isa sa kanila, parang naaagnas na bangkay. Nangilabot na daw sila at nagsitakbuhan papuntang Student Union na malapit sa Auditorium.